Chapter 35

22.4K 988 108
                                    

Brave and Confused

--

"Save your love for someone else."

Napabuntong-hininga ako habang tulalang nakatingin sa kisame. Pinunasan ko ang pisngi ko. Damn.

Hindi ako makapaniwalang iiyak ako dahil lang sa isang babae na mas bata sa akin. Dahil kay South. Si South na kapatid ng best friend ko. Si South na ang daming sikreto. I bit my lower lip hard.

Masahol pa sa rejection yung narinig ko.

Bakit? Kung kailan naman nalaman kong gusto na pala niya ako, saka naman magkakaganito. Para niya akong pinaasa tapos binasted din sa huli. Mas masakit pa 'to sa pag-a-assume. "Nakakainis."

Simula no'ng gabing 'yon ay hindi na siya natulog dito sa kwarto ko kasi ang guest room na ang ginagamit niya. Nagtataka si Mama sa kung anong nangyari sa amin pero hindi pa ako ready mag-open. At wala akong balak sa ngayon.

Si Papa naman ay hindi na rin nagtanong pa sa mga nalaman. Tantiya ko naman na siya mismo ang maghahanap ng sagot sa mga gusto niyang malaman. Tingin ko rin, dahil sa mga nangyari ay hindi na matutuloy ang plano na pumasok ako sa company nina Alvarez.

Napahinga na naman ako ng malalim. Ang sakit sa dibdib. Baka magkaroon na ako ng award dahil naka-survive yung puso at isip ko sa mga nalaman. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin. Kaunting tulak na lang, malamang bibigay na ako.

Napatingin ako sa oras ng cellphone ko, 3:25 am na. Kanina pa pala ako gising at hindi ko man lang namalayan yung oras. Ganito ba kapag brokenhearted? Bwisit, eh. Ang hirap pala.

Napaupo ako sa kama. Nag-iisip kung lalabas ba ako ng kwarto o hindi. Tiningnan ko yung isang larawan na nasa gallery ko. Picture ni South habang nakatingin sa kawalan, nakuha ko 'to sa kanya habang pinapanood siya ng palihim. Ang layo ng tingin niya rito, parang ang daming iniisip. Ngayon, alam ko na kung ano 'yon.

Sa mga nalaman ko, dapat ba akong matuwa kasi na-unlock ko na yung isa sa misteryo niya? O maawa para sa kanya kasi masyado na siyang binalot ng sakit at galit kaya paghihiganti na lang ang tumatakbo sa isip niya?

O baka naman dapat na mas makaramdam ako ng sakit at awa sa sarili kasi hindi niya mababalik yung feelings ko?

Napasabunot ako sa buhok ko. "Oh, ano, Jade? Anong gagawin mo?" Napaiyak ako. "Susuko ka na lang ba?"

Natawa ako ng pagak. Parang tanga lang. Mukha na akong baliw rito kakausap sa sarili, iiyak tapos tatawa. Pinunasan ko ang pisngi ko at inayos ang sarili. Asa ka, South. Tingin mo susukuan kita? "Hindi."

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kaagad din akong lumabas ng kwarto ko palabas at pumunta sa kwarto ni South. Inikot ko yung doorknob pero naka-lock ito.

Tulog na kaya siya? Malamang. Anong oras na. Aalis na sana ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si South na mukhang hindi naman inaantok.

"I heard something on the doorknob. What do you need?"

"Pwedeng pumasok?"

Hindi siya nagsalita pero niluwangan niya ang pinto, pumasok naman ako at narinig na lang ang pagsarado nito. Tumingin ako sa kanya at napansin kong hindi niya sinasalubong yung mata ko.

"South." Tawag ko. Umupo siya sa kama at hindi ako pinansin. I sighed. Inilibot ko yung tingin sa paligid, nakita ko yung laptop niya na nakabukas at nakapatong sa isang table. Halatang nasa kalagitnaan siya ng ginagawa. "Yung tungkol sa sinabi mo noong gabing 'yon..."

She's Complicated [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon