Chapter 3

32.8K 1.2K 399
                                    

Noticeable

--

"Loud speak ko?"

Napatingin ako kay South nang sabihin niya 'yon sa taong kausap sa phone. Mas mahina ang boses niya kapag may kausap siya sa cellphone pero narinig ko naman. Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ng kausap nito.

"Naka-loud na?" tanong no'ng nasa kabilang linya. Ang cute naman ng boses! Parang bata. Ilang taon na kaya 'to?

"Oo." Hinila niya ang manggas ng damit ni North palapit sa kanya. "Ate North, kakausapin ka raw ni Elli." Ibinigay niya ang cellphone sa kaptid.

"Hello, Elli."

"Hi!" Bati ni Elli mula sa kabilang line. "Ay, Ate North! Okay lang po na dito matulog si South?"

"Bakit?"

"Umalis po kasi sina Mama at Papa. Eh, si Kuya naman masyadong gala. Ako lang mag-isa rito."

"Hmm," Tumingin siya kay Bata. "Gusto mo ba ro'n, South?"

"Ikaw nga bahala. Kaya nga pinakausap ko sa'yo, eh," sagot niya. Ang arte talaga.

"Okay. Sige, Elli. Anong oras ba?"

"Ngayon na sana? Nakaayos na po ako, sunduin ko na lang siya ngayon."

"Oh. Sige, sige."

"Thank you! Hoy, South, okay na, ha? Nag-inarte ka pa kasi, eh. Papayagan ka naman."

Ngumiti si South, yung ngiti niya, hindi naman talaga ngisi pero laging umaangat yung right side na dulo ng labi niya. Akala mo lagi kang pinagti-trip-an.

"Tinatamad kasi ako."

"KJ ka lang kamo." Feeling ko inirapan siya no'ng Elli kahit hindi ko kita.

Tumawa siya ng medyo malakas, ito 'yong mga pagkakataon na hyper si South. Hindi ko talaga siya ma-gets. "Buti alam mo. Sige na bilisan mo na. Pakakainin mo pa ako mamaya."

"Oo na. Takaw mo, hindi ka naman nataba."

Namatay na ang tawag pagkatapos no'n. Napatingin na lang siya sa cellphone niya habang natatawa. "Nagsalita. Isa rin naman siyang payatot."

Napasimangot siya nang pisilin ni North ang pisngi niya. Mukhang ayaw na ginagalaw ang mukha niya, ah. Ma-try nga sa kanya para mapikon naman.

Maya-maya lang din ay nagpaalam na si North na may gagawin which is something school related stuffs. Buti pa ako feeling prinsesa. Yung kambal naman ay maagang umalis dahil may whole day gala raw sila with their circle of friends. Those two, hilig gumala. Makasama nga minsan.

Lumapit at umupo ako sa tabi ni South. Since nagfe-feeling na naman ako edi lubusin na. Inilapit ko siya sa'kin at inakbayan. Aalisin niya sana ang braso ko kaso hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa kanya. Sarap yakapin ni Bata!

"Hindi ako nagpapaakbay." pagre-remind niya sa'kin.

"Mahilig akong mang-akbay." Ngiting-ngiting sagot ko. "Huwag na kumontra. So..." I cleared my throat habang pinipigilan siyang magpumiglas. Ang lakas ng babaeng 'to kahit maliit. "Sino si Elli? Chicks mo?"

"Baliw ka, Ma'am," poker faced na sagot niya, ang bastos talaga ng bibig nito. Sarap tapalan ng ano, eh. "Hindi ko chicks 'yon, parang kapatid ko na 'yong babaeng 'yon."

Oh. Okay.

Napangiti ako nang ngumiti siya, maganda kasi ngumiti 'tong South na 'to. Madalas nga lang naka-poker face. Tumigil na rin siya sa pag-aalis ng pagkakaakbay ko. Good, good. Mukhang kailangan lang aliwin si Bata.

She's Complicated [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon