Chapter 11: What's wrong?

6.2K 244 41
                                    

Question: Bakit may mga authors na matagal mag-update?

Answers: (Yes, may S... madaming dahilan.)

1. Bukod sa pagsusulat ay meron pa rin naman kaming personal life. Hindi lang naman pagsusulat lagi ang ginagawa namin araw araw. Nagiging busy din naman kami sa aming negosyo, pamilya, kaibigan, trabaho... at lovelife. (Kung meron man, ako wala. Si Tristan lang sapat na) Hahaha!

2. Tinatamad. Wala kayong magagawa kung tinatamad ang isang tao. Hindi mo siya mapipilit gumawa ng isang bagay na ayaw naman niya lalo kung wala siya sa mood.

3. Writer's Block. Huwag kayo magalit dahil lahat ng writer nararanasan ito. At sa kaso ko, tumagal ito ng isang taon o mahigit pa. Ito yung sitwasyon namin na wala talagang pumapasok na kahit na anong ideya sa utak namin.. o kung meron man, hindi na maituloy, biglang nawawala na parang bula yung ideya at hindi na masundan pa. Kailangan makapagpahinga o makahanap ng matinding inspirasyon para dito. 

4. Kulang sa motivation. Yes, we love writing but we also get motivated kapag pinaparamdam niyo sa amin na na-aappreciate nyo yung sinusulat namin. Some of you get angry kapag matagal ang update without even saying THANK YOU. Mas nakakataba ng puso yung sinasabi niyo sa amin yung mga nararamdaman nyo about the story and how you're looking forward for the next updates. Minsan pa may magcocomment ng "Update na" o kaya "Update naman. Bitin." STOP being DEMANDING. Hehehe! Yun lang.

REASON KUNG BAT SUNOD SUNOD UPDATE KO? Everyday may update ako.

-> Simple lang. Masaya ako. Noong una wala ako plano ituloy agad kasi ang tagal natengga nung kwento. Pero dahil nakita ko na inaabangan niyo talaga at nakita ko na masaya kayo na nagbalik na ang story sa pamamagitan ng pagkomento at pagbibigay boto ay namotivate nyo talaga ako na magsulat uli.

Kaya naman pangako ko sa inyo na ngayong taon ay siguradong matatapos ko na ang book 3. Madami pang dapat abangan sa story na ito! :) Sana lang ay huwag kayo mapagod sa pag suporta sa mga works ko. Thank you guys for patiently waiting! Saranghae~♥ -CRUNCHH (Erica Cruzat)

==

Chapter 11


Pinaalis ko muna si Sierra at tanging kami lang ni Vien ang nasa loob ng opisina. Inaantok na siya dahil mag iisang oras ko na pinapanood ang asawa ko. Nakita ko kung paano siya nag-aaral ng mabuti.

Dumating ang break time nila kaya naman lumabas na sila sa loob ng classroom.

"Vien! Nawala na si Nathan! Paano natin siya mahahanap uli? Bilisan mo!" naalimpungatan si Vien sa pagkataranta ko.

"Miss Madam naman eh! Pwede ba huwag ka sumigaw? Aish, sakit sa tenga. Heto na..." May mga pinindot ulit siya at naglabas ang iba't ibang video sa loob ng Alshin. Hinanap namin si Nathan.

"Ayun, papunta siyang cafeteria! Sundan mo."

Nakita ko sa video kung paano na naman dumidikit ang babaeng si Melissa kay Nathan.

"Nathan!" sabi ni Melissa. Tumigil naman si Nathan at binigyan siya ng poker face look. As usual, ganyan naman talaga ang asawa ko. "Ang galing mo talaga kanina, matuturuan mo ba ako sa isang project ko? Ang higpit kasi ng professor namin dun, eh."

Lalapit pa sana si Melissa pero itinaas ni Nathan ang kamay niya na nagsasabing 'Stop'

"Are you blind? Ayoko maging masama sayo pero huwag mo akong pilitin. Can't you see I hate people around me? Lalo ka na." sabi ni Nathan. Oh my God! May reward ka sa akin mamaya!

"Ano bang problema mo? Ganyan ka na ba kadesperate mag-isa? Masyado iyon malungkot kaya sinasamahan kita!" medyo naiinis na rin na sabi ni Melissa. Ang kapal naman ng mukha niya. Parang kailangan pa ba ipagpasalamat sayo ng asawa ko na nilalapitan mo siya? 

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon