Chapter 1: Sweet and Loyal Nathan

58.7K 1.1K 116
                                    

Sumasakit na ang ulo ko. Ang dami pang papeles na dapat kong ayusin. Sabi sakin ni mama na baka mid next year na niya ibigay ang posisyon niya sakin pero kailangan mapatunayan ko din sa board members na karapat dapat ako.

At mas nakaka pressure dahil after a month pagsasamahin na talaga ang J.S company and Salcedo's. Well, imemerge ang dalawang kompanya. Pero napagkasunduan na sa hotels lang ang magiging sakop ng merging. Ang iba pang produkto ng kompanya namin ay hindi na sakop ng J.S and vice versa.

Napatingin ako sa cellphone ko. 

Eleven PM na pala pero wala pa din ang asawa ko.  Saan naman kaya dinala ni Tristan at Arden yun? Tsk.

Niligpit ko na ang mga papeles.. sa office ko na lang itutuloy ang mga ito. Hay nako. Sabi ng mga mokong na yun ay maaga daw nila ibabalik ang asawa ko!

*beep beep*

May narinig akong bumubusina sa labas. Madali ko naman maririnig ang busina ng mga sasakyan kasi hindi naman malaki ang bahay namin. hehe! Bunggalow house lang. Pero hindi din naman sobrang liit. Malaki na ito sa mga ordinaryong tao.

Tumingin ako sa bintana para makita kung sino ang nasa labas. Mahirap na! Malay nyo manloob ano! Tinuruan yata ako ni Moo sa mga ganitong bagay :'>

Nasa labas si Arden..

"Amazona Girl!"

Lumabas naman agad ako. Para siyang hindi mapakali nang makita ako. May ginawa sigurong kasalanan ang mga ito sakin! Naku! Naku!

"BAKIT NGAYON KA LANG? NASAN SI MOO?!" Nakakainis. Nasan naman si Nathan?

"Eh yun na nga Mika eh.." nagkakamot siya ng ulo na para bang hirap na hirap sumagot sa tanong ko.

"Nasan nga?!"

"Ahh ehh... Nasa kotse"

Pumunta naman agad ako sa kotse nya. Binuksan ko iyon at nakita si Nathan na natutulog. Ugh! Nilasing nila ang asawa ko!!! Akala ko ba hindi sya maglalasing!

"Anong nangyari?! Paano nalasing si Nathan eh ang taas ng alcohol tolerance nya!!" lumapit naman sakin si Arden at piningutan ko sya..

"Araaaaaaaaay! Aaaaahhhh!!!!! Mika.. sorry na. Hindi ko naman kasalanan kung nalasing sya.. kasi ano eh--"

"Anong hindi mo kasalanan?! Nasaan si Tristan?!!! Bakit ikaw lang ang nandito?"

"Yun na nga eh. Tumakas. Baka daw malagot sayo. Takot na mabugbog mo kaya iniwan ako. Aish!"

"Osya.. tulungan mo na lang ako dito." Ibinaba naman niya si Nathan. Lasing na lasing siya. Wala ngang malay eh.. Tumulong ako sa paglalagay kay Moo sa likod ni Arden. "Hindi pa tayo tapos ha!" sabi ko kay Arden sabay death glare. >.>

Ibinaba na niya si Arden sa King size bed namin. Kahit naman bunggalow house lang ito ay maganda naman ang mga gamit namin. Hindi din kasi sanay si Nathan na mahirap kaya sinigurado ko na Quality ang mga gamit. Sinamahan ko hanggang sa labas ng gate si Arden.

"Ingat ka sa pag-uwi. Alam ba ni Nicole na nag bar kayo sa bar ni Tristan kanina?" siningkitan ko ang mata ko.

"Oo naman. Nagpaalam na ako sa kanya. Mabait yata akong boyfriend!"

"Siguraduhin mo lang ha? Nasa malayo pa naman ngayon yun! Hindi porke nasa America siya eh pwede ka na magloko. Im still here.. May mata sya dito sa Pilipinas. kei?"

"Yes boss.. Alam ko po. haha!" Nagpaalam naman siya sakin. Nag lock na din ako ng bahay at saka inasikaso si Nathan.

"Ikaw!!! Bakit ka umuwing walang malay! Nakuuuu!" para akong ewan na pinapagalitan ang tulog. Pero napangiti naman ako. Atleast he's safe :)

Kumuha ako ng tubig na nakalagay sa maliit na palanggana.. Pinunasan ko naman ang kanyang mukha. Ingat na ingat ako sa natutulog kong asawa.. Pero imposible din naman atang magising siya sa lagay nya ngayon diba?

Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko.. "Ang pogi mo. Nakakainis ka.." Napatitig naman ako sa labi niya. Red kissable lips.. Kung ganito kaganda ang labi ng asawa ko marami ang magtatangkang magnakaw ng halik sa kanya. Oh no! >0<

Ako lang dapat ang hahalik sa kanya. Tsktsk. Subukan lang ng ibang malalanding babae. Ugh.

Napatingin ako sa suot nyang T-shirt. Masyadong fit. Nakabakat na nga ang matigas niyang abs. *gulp*

Napailing ako. Kailan ba ako masasanay? 7 months na din kaming kasal.

Hinawakan ko yung shirt nya at dahan dahan ko iyong itinaas. Waaaah. ABS.

ANG ABS NI MOO! Malayang malaya kong mapagmamasdan ang magandang view. hihi!

I'm a naughty wife :)

Pinunasan ko din ang abs.. este ang tyan nya.. hahaha

"Minsan.. okay din pala na ganyan ka. Malayang malaya akong mapagmamasdan ka. hihi!" sabi ko sa natutulog kong asawa. :'>

Napunasan ko na din ang dalawa niyang kamay .. So ang hindi ko pa napupunasan ay.. yung legs nya. Tinanggal ko na ang sapatos niya at medyas. In fairness, mabango pa din ang paa ng asawa ko. hehehe.

Okay.. inhale... exhale..

Hinawakan ko na yung belt nya.

Bakit ba ako kakabahan? Asawa ko naman siya diba? -___-

Pero.. pero nakakakaba pa din. waaaah..

"1.. 2.. 3!" sabi ko sabay tanggal sa belt nya.. wew. Inalis ko iyon ng marahan at inilagay sa side table na katabi ng telephone ang belt nya. Kailangan ko naman ngayin tanggalin ang butones ng pantalon nya..

Kaya mo yan Mika..

Wala kang gagawin na masama. Kailangan lang mapunasan ng asawa mo.

*Gulp*

Hawak ko na naman ang pantalon nya.. waaaaah!!! >0<

"1... 2.....---"

Nagulat ako nang hawakan ni Nathan ang kamay ko.. Gising sya?

Pero nang tingnan ko naman ang mukha nya ay tulog pa din naman siya.

Itutuloy ko na sana ang gagawin ko nang umimik siya..

"S-stop" huh? Para siyang gising na hindi.. Ganito nga siguro pag lasing.

"Moo. Pu-punasan lang kita Moo ha? W-wala akong gagawin na masama!"

Pero hinawakan niya ang kamay ko.. lasing na lasing siya.

"S-stop.. D-don't. I'm... I'm married." Nakapikit lang siya pero parang tinataboy niya yung kamay ko.

"Nathan.."

"I'm.. I'm married.. and. I. love.. my.. wife" he said. Halata sa boses nya na lasing siya. Ang bagal kasi niya magsalita.

Napangiti ako.. This man really loves me. He mistakenly thought that I'm another woman trying to get him naked.

Tumabi na lang ako sa kanya at niyakap sya. " I love you, Moo." And then I kiss him on his lips. I fell asleep while smiling.  

===

Author's Note: 

Namiss nyo ba ang MINATH? bamuss din nila kayo. Kakakilig si Nathan diba? Ayiiiieeeee :> Very loyal ang peg! :)

Ciao! ♚Crunchh♚


CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon