Chapter 2: Meet Mon

38.7K 849 106
                                    

"Gusto ko ng aso!!" >o<

"Ilang beses ko na bang sasabihin na ayaw ko sa aso?" wika ni Nathan sakin habang naglalakad kami sa mall. Nakahawak lang ako sa damit nya habang naka pout. Sumusunod lang ako sa kung saan siya pupunta.

"May aso naman kayo sa mansion nyo diba? Pero bakit ayaw mo mag-alaga tayo?"

"May aso kami para bantayan ang paligid ng mansion pero hindi sila nakakapasok sa loob ng bahay. May mga taong nag-aalaga sa kanila. Kahit isang beses hindi ko pa nasusubukan humawak ng aso."

"Takot ka ba sa aso?"

"BAKIT AKO MATATAKOT? ASO LANG NAMAN YUN?" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses nya. Bakit ba high blood siya? Psh! Hindi naman leon ang bibilihin namin eh. Isang cute na puppy lang naman ang gusto ko.

Nasa harap na pala kami ng National Book Store. Hindi ko na namalayan sa pangungulit ko kay Nathan.

"Madaming tao sa loob. Dito ka na lang, maliwanag?" nag nod naman ako. "Wag kang aalis dyan ha?

"Oo na. Bilhin mo na yung mga kailangan mo sa school." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nagtatampo ako. He tilted my chin up saka siya ngumiti.

"Huwag kang nang magtampo. Okay? Hindi natin kailangan ng aso para may magbantay sayo at sa bahay natin. I can protect you." Nag pout na lang ako tapos pinisil niya yung pisngi ko >///<

Psh! Ang daya talaga. May pasok pa bukas si Nathan sa Alshin. Ako naman ay naka leave ng 2 weeks. Pansin daw kasi ni Nathan na masyado ako pinepressure ni mama na magtrabaho para daw ako na talaga yung susunod na papalit sa kanya sa pwesto. Sabi kasi ni mama masyadong mahigpit ang board members ng Salcedo's. Maraming may gusto umagaw sa pwesto na iniwan ni lola.

Haaaay. Sumasakit na naman ang ulo ko. Ayaw naman ni Nathan na masyado na agad akong busy sa trabaho samantalang student palang sya. Sya kasi eh! May pa career career pang nalalaman noon! Pero mas okay na din na mag aral sya ngayon kaysa ipagpatuloy nya ang pagkanta. Ayoko naman na madami akong kaagaw at madaming stalker sa Nathan ko! >o<

"Mika." Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Tristan!" kumaway pa ako sa kanya. Nanlaki naman yung mata ko sa hawak nya. Waaaaah!

May hawak siyang isang cute na puppy!!!! Pure white na puppy!

"Sinong kasama mo?" Tumingin sya sa paligid ko. "Si Nathan ba?" Nag nod na lang ako habang na aamaze sa hawak nyang tuta.

"Sayo yan?! Pahawak!!" Hindi ko na nga inalam kung papayag ba sya o hindi kasi kinuha ko na. Bwahaha!

"ANG CUUUUUTE~!"

"Oo nga eh. Ang cute nya. Bigay sakin yan ng kapitbahay namin noong isang araw. Ang dami kasing anak ng aso nila kaya binigay sakin yung isa. Busy ako ngayon kaya hindi ko iyan maaalagaan. Itatanong ko na lang kay Arden kung gusto nya kunin yan. May aso kasi yun sa kanila eh."

"Arf! Arf!" maliit na tahol ng aso. Waaaaah!!! Ang cute nya tumahol! Ang liit ng boses.

"AKIN NA LANG! Ako mag aalaga sa kanya!" Nanlaki yung mata ni Tristan. May mali ba sa sinabi ko?

"Sigurado ka?"

"Yap!" ^___^

"Pero paano si Nathan? Ayaw nya sa mga aso.."

Oo nga pala.

Bakit ba kasi ayaw ni Moo sa aso? Pero hindi ko makakalimutan ang araw na tinulungan niya yung aso sa daan. Doon pa nga ako nagkagusto sa kanya, eh. Paano naman nangyari na ayaw ni Nathan ng aso?

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon