Chapter 3: Melissa

33K 845 121
                                    

"Oh dumating ka na pala, Moo. How's school?" tumingin lang ako saglit sa kanya pero bumalik na ulit ako sa ginagawa ko. Nilalaro ko kasi si Mon.

"Arf! Arf!" Grabeee~ Sobrang cute talaga ni Mon. Ibinili ko siya kahapon ng maliit na bola para malaro niya. Ang cute niya pag hinahabol niya yung bola. 

Ang dami ko na ngang kuha na pictures sa kanya! ^___^

Binuhat ko si Mon tapos dinala ko siya sa sofa. Binuksan ko yung TV. Manunuod kami *u*

"Tss." Naupo sa kabilang upuan si Nathan. Haha! Takot pa din siya kay Mon. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na hindi naman nangangagat ito eh. -__-

"Hindi mo pala sinagot ang tanong ko kanina. Kamusta school mo? Mas gusto mo ba talaga sa Alshin kaysa sa St. Luke's?" tanong ko.

"Maayos na ako sa Alshin. Matutukso lang akong pumunta sa J.S Building kapag nasa St. Luke's ako. Aaaahh. Sumasakit ang ulo ko." Ipinikit niya ang mata niya. Kaya pala parang wala sya sa mood. Masakit ang ulo niya..

Tumayo ako at kinuha yung tali ni Mon. Itinali ko muna siya sa may likod tapos naghugas ako ng kamay.


"Halika, moo." Nilagyan ko ng unan ang lap ko tapos nahiga naman siya. Minasahe ko ang sintido nya.

"Damn girls."

"Huh?"

"Nothing."

Ano kaya ginagawa ni Moo sa Alshin? Hm...

Alam ko na!

Ano kaya kung mag surprise visit ako sa kanya doon? *u*

Naka leave pa naman ako sa work kaya okay lang! *u*

Magluluto ako ng paborito niyang adobo!

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sakin si Nathan mula sa pagkakahiga nya.

"What're you thinking?" (-___-)

"It's a secret!" *u*

"As long as you're not imagining me naked." he smirked.

"O-oy! Hindi ah!" Hindi ko kaya ginagawa yun!

Minsan lang! >o<

Tumayo siya at hinawakan ang baba ko.. "You don't need to imagine, Mika." Hinaplos niya ang mukha ko..

*Gulp!*

Hinalikan nya ako sa noo kaya napapikit ako.

"Ilang araw na lang ang natitira bago ka bumalik sa trabaho?"

"S-six days." >o<

"Kung ganoon, susulitin ko na ang araw na matagal kitang makakasama." Inilapat niya ang mukha niya sa leeg ko. Nagbigay ito ng kakaibang pakiramdam sakin.

Waaaah! Nathan! Tinetempt na naman niya ako >o<

Hinalikan niya ako sa labi. Sunod sunod ang ginawa niyang paghalik sakin kaya tumugon na din ako.

Unti-unting bumababa ang mga halik niya papunta sa aking leeg.

Napatigil lang kami sa ginagawa nang may mag door bell.

Napamura si Nathan sa inis at nag-ayos naman ako ng sarili.

"Ako na ang magbubukas." He hissed.

Napaupo na lang si Nathan sa sofa. 

Binuksan ko yung gate at isang maputing babae ang bumungad sa akin. Malapad ang ngiti niya sa akin at saka tumingin sa bahay namin.

"Ito ba ang bahay ni Jonathan Smith?" tanong niya.

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon