Prologue

21.9K 575 489
                                    

Maling tagpo, maling panahon.

Meeting of two people in a tragic way leads them to a never ending fight.

Paano nito mababago ang pag-aawayang Izzy at Kyler?

Is there a chance for them to be real friends, lovers, or stayed as enemies?

Isang awayang magtutungo sa kanila sa mas mabuting pagsasamahan o sa marahas na pag-aawayan.

What if one day it will change?

Will it be there way to start all over again?

Isang pangyayari na magpapabago ng lahat...

Galing ako sa library at pauwi na ako. Hindi naman madalas mangyari 'to. Kung hindi ko lang siguro kailangang tapusin ang project ko siguro kanina pa ako nakauwi sa bahay at nakahilata. Ginabi na ako ng husto at malamang magagalit si Kuya sa akin pag nalaman niyang umabot ako sa ganitong oras. Nagmadali na akong lumabas ng school at naglakad na pauwi.

Habang naglalakad ako, may nakasalubong ako na dalawang lalake. Sa mukha pa lang alam mo nang lasing ang mga ito at hindi mapagkakatiwalaan. Nagpalinga-linga ako para tignan kung may makakasabayan akong maglakad.

Pero natakot lang ako mas lalo nang wala akong makita kahit isang estudyante na pwede kong makasabay para makaiwas.

"Hi miss, mag-isa ka ata?" bati nang isa sa kanila. Hindi ko sila pinansin dahil na rin sa pangamba at takot na nararamdaman ko.

"Oo nga naman, Miss. Baka gusto mo munang sumama sa 'min?" segunda ng isa ding lasing na naka blue t-shirt. Kahit natatakot na ako, 'di parin ako nagpahalata.

Lalagpasan ko na sana sila nang biglang hinablot ng isa ang kamay ko at kaladkarin sa madilim na sulok.

Masakit ang ginawa nito pero kailangan kong makaisip ng paraan para makawala at makatakas sa kamay nila. Pero kahit na anong gawin ko. Hindi ako makawala sa higpit ng hawak nito.

"Kuya huwag po! Kunin mo nalang lahat ng pera, selpon at bag ko. Huwag mo lang akong sasaktan. Maawa po kayo sa akin!" pagmamakaawa ko dahil wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi ang makiusap sa kanila at magmakaawa.

Napaiyak na ako nang tuluyan dahil sa takot dahil tinawanan lang nila ako sa pakikiusap at pagmamakaawa ko.

"Mapapahamak na ba ako ng tuluyan sa mga kamay ng mga lasing na 'to?" umiiyak na ako habang iniisip ko ang kapalarang sasapitin ko.

"'Wag kang mag alala Miss Sexy, mag eenjoy ka naman sa gagawin natin! Panigurado yan." sabi nila habang nakangisi at halos hubaran na ako sa kanilang tingin.

Hopeless na ako, umiiyak na ako habang nagpupumiglas sa kanila. Wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi ang magpumiglas sa hawak nila. Pero dahil sa kakapiglas ko, nagalit sila at walang babalang sinuntok nila ang tiyan ko dahilan para mapaluhod ako at damhin ang sakit.

Nanghihina na ako dahil sa suntok at wala na akong magawa kung hindi ang umiyak nalang ng umiyak. Pero laking gulat ko nalang ng bigla nalang bumulagta sa sahig ang lalakeng may hawak sa akin. Habang 'yong isa naman ay nakikipagsuntukan sa lalakeng 'di ko maaninag dahil sa kadiliman. Napayuko nalang ako habang umiiyak dahil na rin sa panghihina ko.

"Are you alright?" narinig kong tanong ng taong nasa harapan ko. Bigla kong inangat ang ulo ko para makita ang pamilyar na boses na nagsalita.

"Kyler?" nanghihinang sambit ko,

"Yeah, It's me. Okay ka lang ba? Dalhin na kita sa hospital." nag-aalalang sambit nito at inalalayan ako patayo.

Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin ito. Sobrang thankful ako kasi despite of everything, nagawa niya pa rin akong iligtas. Napansin kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

"Thank you so much for saving me, Kyler. I owe you my life." umiiyak na sambit ko.

"Stop crying, Izzy. Everything will be alright. Just calm down." pagpapakalma nito sa 'kin sabay hagod niya sa mahaba kong buhok.

Dahan-dahan niya akong pinatayo ulit. Dahil kasi sa pagyakap ko sa kanya kanina, hindi niya ako tuluyang naitayo. Pero bago pa niya ako naitayo ng maayos, bigla nalang akong nahilo at nawalan na ng malay.

Ito na ba ang umpisa ng magandang pagbabago sa pagitan nila Izzy at Kyler?

Samahan niyo ako sa kuwento nilang dalawa...

Author's simple note:
This is my first ever story so I guess don't expect too much.

Marami po kayong maeencounter na typos at errors along the way dahil hindi ko pa po ito na-e-edit lahat. Sana po maintindihan niyo.

Votes and comments will be highly appreciated...

Thank you😘😘

Fall For You *Where stories live. Discover now