Transferee

143 3 0
                                    

BEA POV

Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa upuan ko dito sa loob ng classroom namin, ang mga kaibigan ko naman ay nakikipag kwentuhan sa mga boy's sa likod namin.

Hindi ako nakikisali sa kwentuhan nila, nakikinig lang ako ng music sa iphone ko.

5 minutes pa ang lumipas at dumating nadin ang adviser namin at sobrang lapad pa ng ngiti nito. Nakakapagtaka naman, ano kaya ang nakain na agahan ni Ma'am?

"Class, meron kayong new classmate, at alam kong kilala niyo na siya," sabi ng adviser namin.

"Babae o lalaki ba Ma'am?" tanong ng isa kong kaklase.

"Lalaki siya at pogi pa, kaya madadagdagan nanaman ang pogi dito sa loob ng classroom natin," kinikilig ba si Ma'am? Feeling bagets din to minsan si Ma'am eh.

Di ko nalang pinansin si Ma'am, hindi naman kasi ako intirisado kong sino pa yang bagong transferee eh, humarap nalang ako sa bintana, at napatulala doon.

Napatagal na pala ang tingin ko sa labas ng bintana ng magulat ako dahil may humalik sa pisngi ko at may yumakap sa akin bigla.

Nilingon ko naman kong sino ito at para ma upakan ko. Pero nakita ko ang nakangiting si Macky na naka-upo na pala sa tabi ko.

"Baliw kaba? bakit ka ba nanghahalik diyan at nangyayakap bigla?" Sita ko sa kanya.

"Hehe, sorry naman, namiss lang kita bigla eh, at kanina ka pa kaya tinatawag ni Ma'am, hindi ka sumasagot, kaya ako na ang lumapit sa iyo."

Tumingin naman ako kay Ma'am, pero nag-uumpisa na pala itong magturo. Baliw talaga itong kumag na ito.

"Hi crush how are you?" Sweet niyang tanong sa akin.

"I'm okay Oppa," sweet ko din na sagot sa kanya, at naghagikhikan kaming dalawa, mahina lang naman at baka kasi marinig kami ni Ma'am.

Pasaway na estudyante be like.

Kung nagtataka kayo kong bakit ganon ang tawagan namin, ito kasi yun.

Flashback

Naglalakad na kami pabalik sa rest house nang bigla niyang sinabi sa akin na......

"can i call you crush?"

"it's fine wih me,"pag sang ayon ko sa sinabi niya.

"and you will call me oppa, if it's okay with you," sabi niya pa.

"ok oppa," sabi ko din, at sabay nanaman kaming nagtawanan.

Pero napagaan niya kahit papano ang loob ko at napa ngiti niya pa ako.

"thank's oppa."

"You're always welcome crush," sabay yakap namin sa isat-isa.

Crush niya lang daw ako kasi may mahal daw siya na hinahanap niya pa Hanggang ngayon. Kaya walang malisya ang pagyayakapan namin dalawa ngayon.

End of flashback

Narinig kong may tumikhim sa likod namin at sabi pa niya.....

"Bawal PDA dito habang nasa klase," sabay tayo nito at lumabas sa classroom namin kahit nagtuturo pa si Ma'am, hindi naman siya pinansin ni Ma'am at nagpatuloy lang ito sa pagtuturo sa amin, walang galang talaga itong Topper na to kahit kaylan, porket siya may-ari nitong school maggaganon na siya?

THE FIVE UNBEATAVABLE QUEEN'SWhere stories live. Discover now