♫♪ Chapter 6 ♫♪

Start from the beginning
                                    

"Aray!" mahina kong dain nang mauntog ako.

Himas-himas ang ulo ay lumabas ako ng model house. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napatitig na ko sa harapan ko. Nakaupo lang ako sa entrada ng munting bahay. Para akong nakaupo sa isang bintana na tumatanaw ng mga taong dumadaan sa kalsada. Ngayon nga lang ay iba. Ito ang eksaktong nasa panaginip ko.

Maayos na naka-set up ang mga musical instruments. Narito rin ang mga kabanda ni Shohei. Hinanap ko rin ang presensya niya. Agad ko siyang nakita na sa tantiya ko ay kanina pa nakatitig sa'kin.

"Shohei?" Nagtataka at kinakabahan kong sambit nang masilayan ko siya sa baba. Nakatapat siya sa direksyon ko at nang masilayan niya ko ay binigyan lamang niya 'ko ng makalaglag panty na ngiti, bahagyang itinaas ang kamay sa ere upang magsilbing hudyat nang pagsisimula nila.

"1,2 - 1,2,3,4."

Ilang beses akong napangurap habang pinakikinggan ang pagtugtog nila, saliw ng musikang laman ng daydream ko. Ang musikang laman ng reward na hinihingi ko sa kanila. Gusto kong sumali sa tilian ng mga babaeng manunuod ngunit hindi ako makapagsalita. Para bang nawalan ako ng boses. Nawalan ng karapatang magsalita.

"Give me more lovin' than I've ever had,
Make it all better when I'm feelin' sad.
Tell me that I'm special even when I know I'm not."

Lechugas ka, Shohei! Gusto kong isigaw. Tinupad niya! Tinupad niya ang hinihingi kong reward na akala ko ay hindi na niya tutuparin! I love you na talaga! Gusto ko 'yong isigaw sa kanya. Gusto ko rin siyang tadtarin nang napakaraming halik ngunit mamaya na lang. Sasamantalahin at nanamnamin ko muna ang moment na 'to na parang isang napakatamis na chocolate cake. Lumingon ako kay Alex. Nag-thumbs up siya sa'kin at nginitian ako, ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"Make it feel good when I hurt so bad, Barely gettin' mad
I'm so glad I found you; I love bein' around you
You make it easy, it's easy as 1,2- 1,2,3,4"

Dumako ang tingin ko sa mga tao sa likod nila Shohei. Kilig na kilig ang halos lahat ng mga fans. Ang ilan sa mga inggitera at judgmental kong kaklase ay ang natatanging kinakikitaan ko ng pagka-disgusto. Para silang binagsakan ng Fancy Space Ship ni Bugs Bunny, pero may Space Ship nga ba si Bugs Bunny?

"There's only 1 thing 2 do 3 words 4 you
(I love you) I love you..."

Bumalik ang tingin ko sa kumakanta. Titig na titig siya sa mga mata ko. Maari na 'kong matunaw anuman sa oras na ito.

"There's only 1 way 2 say those 3 words and that's what I'll do,
(I love you) I love you."

Napakurap ako ng ilang beses sa lyrics ng kanta habang nanatiling nakatitig sa kanya.

Sa tuwing binabanggit niya ang tatlong salitang 'yon. I love you. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Parang may iba pa siyang nais ipagpakahulugan doon. Mahal niya ba ko? Mahal niya rin kaya ako? Ayoko mang mag-assume ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kung totoo ngang mahal niya ko...ayon na ang kasukdulan ng mga pinapangarap ko kasama siyaang mahalin niya rin ako.

"Give me more lovin' from the very start
Piece me back together when I fall apart
Tell me things you never even tell your closest friends.

Make it feel good when I hurt so bad
Best that I've had
I'm so glad I found you
I love bein' around you
You make it easy, it's easy as 1,2 – 1,2,3,4"

Napalunok ako nang kumindan sa'kin si Shohei. Alam kong namula ng sobra ang aking mukha ngunit hindi ako yumuko. Gusto kong panuorin siya habang tumutugtog. Ito na ang reward ko, ginagawa na niya. Tinutupad na niya kaya hindi ko sasayangin ang kahit isang segundo na hindi siya makitang tumutugtog at kumakanta. Para sa'kin 'to. Natupad din sa wakas ang dina-daydream ko.

"There's only 1 thing 2 do 3 words 4 you
(I love you) I love you
There's only 1 way 2 say those 3 words and that's what I'll do
(I love you) I love you
(I love you) I love you"

Nangangatog ang binti ko sa sobrang kaba dahil sa titig niya. Gusto ko mang umiwas sa tingin niya at pagmasdan na lang ang kamay niya sa pagtugtog ng gitara ngunit waring may hipntismo sa mga mata niya't hindi ko maiiwas ang tingin ko.

"You make it easy, it's easy as 1,2 - 1,2,3,4."

Sa puntong 'to ay mas lalong lumawak ang ngiti niya, ngiti niya na para sa akin lang. Hindi ko maiwasang hindi siya gantihan. Tuluyan na akong napasabay sa pagkanta.

"There's only 1 thing 2 do 3 words 4 you
(I love you) I love you
There's only 1 way 2 say those 3 words and that's what I'll do
(I love you)
I love you..."

Napatuwid ako bigla ng tindig dahil sa puntong 'to ay wala ng tono ang huling tatlong salita mula sa liriko ng inaawit niya. Huminga ako nang malalim. Nawala lang siguro siya sa tono. Tama, nawalan lang siya sa tono. Normal naman 'yon sa isang performer 'diba? O mali lang siguro ako ng pagkaka –

"I love you, Winter." Ilang beses akong napakurap, puno ng katanungan siyang tinitigan. Totoo bang sinabi niya 'yon? "I love you." Nagsimula na ang nakabibinging tilian ng mga babae. "I love you. I expect you would respond, you love me too." Napalunok akong muli. Hindi siya nahihiyang sabihin na mahal niya 'ko kahit naririnig pa siya ng marami? Nakatapat pa rin kasi siya sa naka-on na microphone. "Come on, I deserve a reward, too."

Reward? Hindi ba ako lang ang may reward? Bakit siya—ano'ng ibig sabihin niya? Na ang pag-ibig ko ang gusto niyang maging reward?

To be continued...

Claiming my RewardWhere stories live. Discover now