♫♪ Chapter 6 ♫♪

Comenzar desde el principio
                                    

Good deeds na lang 'yon. Pagpalain mo na lang ako, Lord. Amen.

Humiga akong muli. Matagal akong nakipagtitigan kay Spongebob hanggang sa ang talukap ng aking mga mata ay unti-unting bumigat at hinayaan na lamang sakupin ng dilim ang aking paningin.

♫♪♫♪♫♪

A'las! Nagsialisan na rin ang mga nagpapa-autograph at nagpapakuha ng litrato kasama ako. I slightly shake my tired hands, kung ilan ang papel, damit at bag na napirmahan ko ay hindi ko alam. Kung ilan ang babaeng humalik sa pisngi ko at nagpahalik sa pisngi nila ay hindi ko alam. I hadn't expected what happened and I felt so sorry for Winter who is waiting for me for more than an hour. Or is she?

As if on cue, I glance at the area where I last saw her.

Wala na siya.

Bumagsak ang balikat ko. Nakakainis. Bakit ba hindi ko inisip ang posibilidad na maaari nga pala akong sugurin ng mga tagasunod namin sa banda? Ugh, I'm stupid. Ano na kayang iniisip ni Winter ngayon? Baka naman na-pollute na ang utak niya ng kung anu-ano—na pinabayaan ko siya't mas inuna pa ang mga babaeng sinugod ako.

Gaano katagal kaya siya naghintay sa'kin bago siya tuluyang sumuko?

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko't tinawagan si Leivan

"Who's with you?" bungad kong tanong.

"Alex," he sighs, not covering his boredom, probably by waiting for me, or us, if Winter is still with me. "We're ready. Ano ba'ng nangyari? Kanina pa kami naghihintay sa'yo rito." I briefly relayed to him what happened and inserted an apologized. "Hindi bale na. Kasama mo pa rin ba si Winter?" pag-iiba niya

"That's the thing, she left." Narinig ko ang sipulan ng ibang mga ka-band mates ko and I instantly knew na naka-loudspeaker ako.

"Malamang iiwanan niya 'yan! Paghintayin ba naman eh!" Boses 'yon ni Alex, inis na inis.

"Alex is right. Dapat inuna mo siya." Kinampihan pa ni Leivan si Alex. For I know, dahil may lihim siyang pagtingin sa babaeng kasama niya ngayon.

"Sabi ko nga diba, biglaan." Nababanas kong sambit.

"Fine, whatever," 'ani Leivan. "Nasa'n na sa tingin mo ngayon si Winter?"

"Sa model house," tugon ko sana iyon ngunit naunahan ako ni Alex.

"Yeah," I agreed. "I believe she's there."

"Alright, let's go guys!" Yaya ni Leivan, bakas ang excitement sa kanyang boses.

"See you in a while."

♫♪♫♪♫♪

Bakit nandito sila Shohei? Bakit kasama niya ang mga ka-band mates niya? In-eksamin ko pa ang buong paligid. Bakit naka-set up ang mga instrumento na ginagamit ng banda? Ano'ng meron

Si Alex ay nandito rin, pinagsasabihan ang mga fans nila Shohei.

"Sandali lang girls, ah?" Itinaas niya ang kamay sa ere upang magsitigilan ang mga maiingay nilang tagahanga. "Mangha-harana muna si Shohei, kaya bawal ang istorbo!"

Ano raw? Harana? Joke ba 'to? Ay, hindi panaginip lang 'to! Kaya Winter, wake up! At sinampal ko nga ang sarili ko.

"Aray!" napabangon ako bigla.

Sobrang sakit ng ginawa ko. Kumpirmado. Panaginip lang talaga iyon. Ngayon ko lang nadiskubre ang espesyal kong talento—ang sampalin ang sarili habang natutulog.

"Sandali lang, girls. Mangha-harana muna si Shohei, kaya bawal ang istorbo!" Napahinto ako sa paggalaw dahil sa narinig ko. Ayon ang eksaktong sinabi ni Alex sa panaginip ko ah? Ano ba talagang mayro'n? Sa sobrang pagka-atat ay tumayo na 'ko ngunit nawaglit sa isip ko na mababaw nga lang pala ang kisame ng model house ko.

Claiming my RewardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora