Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive

Start from the beginning
                                    

"Umma!" sabi niya. Nagulat akong kilala pa niya ako kahit ang tagal ng walang communication. Binuhat ko siya kahit big girl na, keri pa naman kahit mabigat na. Hinalikan ko siya sa cheeks at hinalikan din niya ako pabalik. Medyo lumayo ako kina Jale at pinagmamasdan lang namin sila.

Lumapit naman agad si Vaughn at inaabot 'yung buoquet ng roses sa pinsan ko. Sa totoo lang umamin naman sa akin 'yang pinsan ko bago bumalik ng Korea na may gusto din naman siya kay Vaughn...slight. May gusto na nga hindi pa tinodo ano po? E hindi naman kasi romantic 'yang babaeng 'yan.

Akala ko nga hindi kukunin ni Jale 'yung bouquet kaso nagulat ako nang kinuha niya. She even kissed Vaughn sa cheeks tapos biglang nagsmirk sa mga babaeng pinapatay siya sa tingin. Wow. Demonyita pa rin talaga 'tong babaeng 'to. Nang-iinis lang sa mga fangirls ni Vaughn? Napatawa tuloy ako. Napatulala pa nga si Vaughn, nashock 'yan panigurado. Kinilig, pustahan tayo?

Noong matauhan siya, agad niyang inalalayan si Jale doon sa mga bagahe na nasa cart, siya na 'yung nagtulak habang abot langit 'yung ngiti, pasipol-sipol pa. Naglakad na sila papalapit sa amin. Dumiretso na kami palabas, sinabi kong hintayin nila ako dito sa may tabi kasi kukunin ko pa 'yung kotse sa parking lot para hindi na sila mapagod. Naiwan si Vaughn at Jale doon. Bahala sila, dapat makadamoves si Vaughn. Uupakan ko siya 'pag wala siyang nagawa.

Lumalakad na kami ngayon, kasama ko si Kaycee. Dati lampas tuhod ko lang siya, ngayon lampas bewang na. Tangkad na. Tahimik lang siya habang naglalakad kami pero nakangiti naman. Napalingon ako sa 'di kalayuan. Teka... si Juliette ba 'yun? Sideview kasi e. Napatingin ako sa lalaking kasama niya. Parang tumalon 'yung puso ko sa nakita. Si Daniel ba 'yun?!

"Kaycee, is that your Appa?" baling ko kay Kaycee. Tinuro ko 'yung lalaki sa 'di kalayuan. Hindi kasi ako sigurado.

"Yes! It's Appa! Appa!" sigaw naman niya habang tinuturo. Si Daniel nga.

Binuhat ko si Kaycee at napatakbo. Malayo na kasi sila. Nakita kong pasakay na sila sa isang kotse. "Daniel! Zander!" sigaw ko. Hindi na yata namin sila maaabutan. Hindi man lang lumingon at hindi kami naririnig.

Umandar na 'yung kotse at nakaalis na sila. Hingal na hingal akong napatigil at binaba na si Kaycee. Ang bigat e.

"Was that really your Appa, Kaycee?" tanong ko. She nodded in response.

Napabuntunghininga na lang ako at napailing. Wala naman kaming magagawa. At saka, hindi talaga ako sigurado. Pero kung siya nga talaga 'yun, bakit niya kasama si Juliette?

Think positive, Chands!

Sakit sa ulo mag-isip. Dumiretso na lang kami sa parking lot at sumakay na sa kotse. Katabi ko na dito sa driver's side si Kaycee. 'Yung dalawang lovebirds na sa likod. Nagsimula na akong magdrive at sinundo na sila para makauwi na kami.

***

PAPUNTA ako ngayon sa bahay ng lola ni Daniel, bibisitahin ko lang. Kasalukuyang nagpapahinga sina Jale at Kaycee sa bahay, pagod sa biyahe e. Binuksan ko 'yung gate. Dire-diretso ako sa pinto. Bubuksan ko sana gamit n'ung susi ko pero pagpihit ko ng knob, nakabukas na. Ha? Paano nangyari 'yun?

Dumiretso ako sa sala. Nakita kong may nakatayong dalawang tao doon, isang babae at isang lalaki. Kahit nakatalikod sila, alam kong medyo may edad na sila. Mga nasa 40s or 50s siguro ang edad.

"S-Sino po kayo?" nag-aalinlangan kong tanong.

Napaharap sila sa akin. Kung mahina lang siguro 'yung puso ko, baka nahimatay na ako sa gulat. Nakangiti sila sa 'kin habang hawak 'yung picture frame nina Daniel. Minumulto ba ako o namamalikmata lang?

Dahan-dahan silang lumalapit sa akin pero medyo napapaatras ako. "Hi. You are? I'm Daniel. Just call me Tito Dan. And this is my wife, Kathy. Call her Tita Kath. Ako 'yung anak ng may-ari ng bahay na 'to. Gwapo ko dito 'di ba?" Tinabi niya sa mukha niya 'yung picture frame kung saan nandu'n 'yung picture noong baby pa si Daniel kasama ng totoong parents niya na KAMUKHANG-KAMUKHA ng dalawang kaharap ko ngayon. Sobra kung makasmile si Tito tapos nagpacute pa. Ang kulit niya din tapos halatang maloko, pareho sila ni Daniel. Para silang kami, pero older version lang.

"Hey, you're so pretty. Anong pangalan mo?" sabi ni Tita at sobrang amo ng ngiti, para siyang anghel. Ang ganda rin n'ung hazel brown eyes niya. Ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa kaso at the same time natatakot ako.

Pero ang kwento ni Lola, nahulog sila sa bangin at hindi na natagpuan pa. Bakit nandito sila ngayon?! Bigla akong pinanindigan ng balahibo. Parang biglang lumamig 'yung paligid. Nananaginip ba ako? Naghahallucinate? Nagdedeliryo? Nababaliw na? O sadyang minumulto lang? Pero kung totoong buhay sila...paano nangyari 'yon?!

Napasign of the cross ako.

Lord, huwag niyo po akong takutin!

Akala ko ba patay na sila?!




"Ch-Chandria po," nauutal kong sagot.

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now