Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive

Start from the beginning
                                    

Napailing na lang ako at tumayo na. Inayos ko 'yung mga gamit ko at lumabas na. I need to go to the airport. It's November 26, 2015. Napangiti ako at naalala ko noong sinurprise ako ni Daniel dati, pinakain ako ng isang gallon ng Vanilla Ice Cream. 'Yun pala, may singsing. That's the day he asked me to be his grilfriend. Suot-suot ko pa rin 'yun hanggang ngayon. It's on my middle finger at 'yung fake wedding ring nasa ring finger ko. Napailing na lang ulit ako at napangiti. Mukha na akong tanga. Susunduin ko pa pala si Jale at Kaycee. They're coming back today. Ano na kayang itsura nila ngayon?

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse kong nakapark sa 'di kalayuan. Nagsimula na akong magdrive. Natatanaw ko na sa 'di kalayuan 'yung kasama kong susundo papunta sa airport. Gwapo a. May dala pang bouquet ng red roses. May mga babaeng umaaaligid-aligid din sa kanya. Malaki din naman kasi ang pinagbago niya, sobrang gumwapo. Huminto ako doon sa tapat niya, nasa tapat siya ng isang coffee shop. Binaba ko 'yung tinted na salamin ng kotse ko. 

"Ready Vaughn?" tanong ko. He smiled at me at nagthumbs-up. Kinawayan niya pa 'yung mga babae doon na tumitili sa kilig. Ay naku, mga teenagers e. Binuksan ko 'yung pinto ng kotse at pumasok na siya, katabi ko. Bilib din ako sa kanya, hindi pa rin nag-give up after more than three years. Mahal pa rin 'yung pinsan ko.

"Ayos porma a," sabi ko at sinimulan nang magdrive.

"Siyempre Cara," sagot niya at sinuklay pa 'yung buhok niyang nakataas gamit ng kamay niya. Nasa may lap niya 'yung bouquet ng roses. Grabe 'yung pinagbago niya, maraming may crush ngayon diyan sa mokong na 'yan. Mas tumangkad pa kasi siya, e noon magkalapit lang ang height namin. Para siyang si Zander na tinitilian dati ng mga babae. Hot e, nagwowork-out din kasi. Model na siya ngayon. May fansclub pa nga.

"Sus," sabi ko habang pailing na tumatawa.

"Huwag kang mainggit Cara, babalik din 'yung unggoy na mahal mo. Ewan ko ba kasi kung anong trip n'ung ugok na 'yun. Hindi nagparamdam ng ilang taon sa atin. Humanda talaga siya 'pag balik niya," sagot niya. Hindi ko na lang siya sinagot at malungkot na napangiti.

 ***

NAKARATING na kami dito sa loob ng airport. Hinihintay na lang naming lumabas 'yung pinsan kong si Jale at si Kaycee dahil kanina pa lumapag 'yung eroplanong sinasakyan nila na galing ng Korea. Hindi kasi makakapunta si Kuya Xavier at Ate Xanthe dahil busy sa trabaho kaya kaming dalawa ang pinakiusapan. Pareho kaming nakashades ni Vaughn, kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao. Tapos hanggang dito ba naman may fangirls si Vaughn na sobra makatili? Kaloka. Ngiti ngiti na lang, tiis tiis pa more.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na 'yung pinsan kong walanghiya kasama si Baby Kaycee. Muntik na nga akong mapa-wow e, ganda kasi nilang pareho. Pinagtitinginan pa sila n'ung mga kasabay nila palabas, lalo na 'yung mga lalaki.

Napatingin ako kay Vaughn at muntik nang mapahagalpak sa tawa. Nakatulala kasi siya tapos naka-open ng slight 'yung bibig niya. Kulang na lang mabitawan niya 'yung bouquet ng roses na hawak niya e. Patago ko tuloy na siniko. "Huy, umayos ka!" pasigaw kong bulong habang tumatawa.

Napa-ehem naman siya at inayos ang sarili. Sinalubong namin 'yung dalawa. Napasigaw ng 'Aww' na malungkot 'yung mga babaeng pumapantasya sa kanya. Ang sama ng tingin nila kay Jale na sobrang ganda mula ulo hanggang paa, malalaglag panga mo. Napapalingon nga 'yung mga lalaki sa kanya e, kulang na lang tulo laway na. Si Kaycee, agad na tumakbo at yumakap sa akin.

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now