Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko nagsayang lang ako ng panahon at lakas para lang sa wala. My throat constricted as my brain finally processed the scene in front of me.

"Baby? Gising ka na? Gusto mo bang ulitin natin iyong kagabi?"

Napaawang ang bibig ni Reign nang pinulupot noong babae ang mga braso nito sa kanyang baywang. He stared at me, looking so confused than I've ever seen him. He was opening his mouth as if he was about to say something but then decided against it.

I forced the heavy feeling down my throat as I opened my mouth to speak. Pero naunahan niya pa rin ako.

"Ano pang hinihintay mo riyan?!"

Napaigtad ako sa lakas ng pagkakasigaw nito.

"Babe?" Napatingin iyong babae sa nanggigilaiti niyang mukha bago sinundan kung saan nakatingin ang kanyang mga mata.

"Labas na!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, pinihit ko na ang knob at nagmadaling lumabas. Tila tambol na dumadagundong ang puso ko nang naisara ang pinto.

"Yan?"

Napabalikwas ako nang may tumawag at agad namang napanatag nang makitang si Kulas lang pala iyon.

"Ang aga mo yatang napasyal? May nakalimutan ka pa?"

"H-ha? A-ah, kuan, a-ah... iyong isda!" Nasabi ko na lang sa kawalan ng idadahilan.

"Isda? Hindi ba hinatid na iyon sa inyo ni King kagabi?"

"T-talaga? H-hindi ko namalayan. Maaga kasi akong natulog," sagot ko.

Totoo namang maaga akong natulog kagabi. Hindi ko lang masabing nagising ako sa gitna ng gabi at natagpuan ang hari nilang natutulog sa aking tabi.

"Hmm... ganoon ba?" Nasabi nito habang nangalumbaba, tila may naiisip, "Umalis na rin kasi ako kaagad kagabi pagkaalis ni King. Tingnan ko sa ref niya kung naroroon ba."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong humakbang patungo sa pintuan ng silid ni Reign. It made sense because the only refrigerator they had here was inside their leader's bedroom.

"No!" Bulalas ko na nagpahinto rito.

Kunot ang noo itong bumaling sa akin. His hand was already on the door knob but then let go of it so he could face me again.

"O, bakit? Hindi ba hinahanap mo iyong mga isda mo?"

"E-e, anong oras pa, o? B-baka tulog pa si Ren. Nakakahiya namang mang-isturbo ng tulog ng dahil lang sa mga isda ko," I managed to say pero sa loob-loob ko, nagsisimula ng maghurumentado ang aking sistema.

"Sus, okay lang iyon! Maaga naman talagang bumabangon si King," he said as he was about to reach for the knob again when the door flew open.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa amin ang half-naked nitong hari. His eyes spelled murder when they found me. He opened his mouth to say something but I raced him to it.

"May nakalimutan pala ako! Babalik na lang ako mamaya!" Sigaw ko at pagkatapos ay walang pasabi akong pumihit at tinakbo ang distansiya ng footbridge. Tsaka lang ako huminto nang narating ko na ang dalampasigan. Nagpang-abot na ang hininga ko galing sa takbong iyon.

See Ayana? You wasted your breath for nothing! Hindi totoo ang mga naganap kagabi. Guniguni mo lang iyon kasi kung anu-anong iniisip mo! Siguro ngayong nakita na nang dalawang mata mo kung ano talaga siya, ititigil mo na itong kahibangan mo.

Parang may bumundol sa dibdib ko nang maalala iyong palabas kanina. I shook my head to shoo those thoughts away.

Bakka! This is nothing but foolishness! Wala kang panahon para rito! Focus on what you must do! Eye on the prize, Aya, eye on the prize!

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now