CHAPTER 8: Ang Tinig at Mga Liham

Почніть із самого початку
                                    

Natawa ito. "Oo na! Wala kang hilig sa mga ganoong bagay. Nag-lecture ba!" anito at natatawang pinagtaasan siya ng mga kilay. Ah, she missed this woman. She was her sunshine before, her best friend. "Wala kang hilig sa social media, wala kang hilig makihalubilo sa mga tao. Pero may boyfriend ka naman na siguro ngayon ano, Donna? Baka foreigner talaga ang hinahanap ng puso mo," anitong nanunudyo.

Umiling siya. "Wala."

Kumunot ang noo nito. "Ex-boyfriend o natipuhan mo man lang?"

May nagkagusto naman sa kanya noong nasa Canada siya. Isang Pinoy na katrabaho niya at isang Canadian na anak ng may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan niya. Sinubukan naman niyang makipagdate sa mga ito pero wala siyang maramdamang koneksiyon. Na parang mabubuhay siya at iikot ang mundo niya, nakilala man niya o hindi ang dalawa.

Umiling ulit siya.

Napasabunot ito sa buhok. "Oh God, Donna! Wag mong sabihing iba ang preference mo kaya ayaw mo sa mga lalaki?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Natawa siya sa inusal ng kaibigan. "Hindi, ano ka ba? Hindi ba puwedeng I am fine being a single? Kasalanan na ba kapag hindi pa nagkaka-boyfriend sa edad sa bente-otso?"

Umikot ang mga mata nito. "Oh, Donna. You are missing a lot. Masarap ang luto ng Diyos. Sobrang sarap, kaibigan," anitong kinindatan siya. Namula sa siya sa sinabi nito. "Ang kaibigan kong NBSB at demure, 'di man lang naranasan ang tamis ng isang halik."

Biglang nagpakita sa diwa niya ang taong ninakawan niya ng halik. At pakiramdam niya tila huminto sa pag-inog ang mundo at nagsiawitan ang mga ibong nakapaligid sa kanila. Animo may mainit na bagay ang humaplos sa pagkatao ni Donna. Napangiti siya at hindi na iwinasto ang kaibigan.

"Ikaw ang magkuwento tungkol sa inyo ni Gibson. Paano kayo nagkatuluyan?"

Napangiti ito at halatang kinikilig pagkabanggit ko sa pangalan ng asawa nito.

Masaya itong nagkuwento tungkol sa buhay-pagibig nito. Buong puso naman siyang nakikinig sa kaibigan.

"Kaya dapat mong makilala ang dalawa naming chikiting, Donna. Si Chelsea ay apat na at si Brandon naman ay mag-tu-two years old na sa susunod na linggo. Punta ka ha? Ninang ka ng dalawa," pagbibida nito sa kanya.

"Sige! Babayaran ko lahat ng paskong utang ko sa kanilang dalawa. Bibigyan ko silang dalawa ng ticket trip to Japan," saad niya.

Lubos ang tuwa sa puso niya habang pinakikinggan ito. Gaya ng pananabik niya sa araw at klima ng Pilipinas, ang mga ganitong usapan nila ng kaibigan ang lubos niyang inaasam. And it felt good reuniting with her.

"Speaking about that trip to Japan, may naalala pala ako, Donna."

Uminom siya ng mango juice habang nagtatanong na nakatingin sa kaibigan.

"Six years ago, may lalaking nagpunta sa bahay at hinahanap raw ako sabi ng Nanay. Hindi ko naman siya kilala. Pero gulat ako nang sinabi niya na ikaw raw ang hinahanap niya. Alam mo naman ako, medyo paranoid kaya hindi ko sinabi sa kanya kung nasaan ka. Ang sabi ko, hindi ko alam. Kahit guwapo pa siya, baka mamaya may saltik iyon," ani Donna.

"Tapos?" tanong niya at naintriga sa kinukuwento ni Jas.

"Ang nakakagulat, halos araw-araw siyang pumupunta sa bahay. Kailangan ka raw niya talagang makausap. At hindi ko sukat akalain na iiyak siya sa harapan ko. Doon ko naramdaman ang sincerity sa kanya Donna. Kahit nakangiti siya, alam kong nangungulila siya. Kaya ibinigay ko ang address mo sa Japan," kuwento ni Jas.

Bigla nanlamig at tumayo ang balahibo niya sa batok. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. "A-ano ang pangalan niya, Jas?"

Napakagat-labi ito at nag-isip. "Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Alexander? Hindi. Hmmm, Ah! Alejandro! Alejandro ang pangalan niya, Donna."

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now