CHAPTER 6: Sa Isang Drawing Book

Start from the beginning
                                    

"Tsismoso ka kasi, Kelvin," sagip sa kanya ni Jared. Nag-stand ito na may total of nineteen sa baraha nito.

"Malapit na!" natatawang sagot naman ni Drew. Bumunot siya ng isang card sa rack dahil eleven lang ang nasa baraha niya. Ipinakita niya ang nakuha. Queen of hearts. "Oh, twenty one!" natatawang saad niya.

"Na naman? Dinadaya mo kami, Piopongco!" reklamo ni Michael.

"Well, sorry. I always have my lucky charm," aniya habang nililimos ang bet ng mga kaibigan.

Masaya siyang nakikipag-usap habang naglalaro ng Blackjack sa mga kaibigan nang biglang tumawag ang sekretarya niya. Lumabas siya papunta sa deck at ipinahalili niya sa empleyado niya sa yacht ang pagiging dealer sa laro.

"Yes, Lorevie?"

"Sir, may problema po tayo kay Makisig," sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang 115 ft yacht na pinapaupahan niya na kasya hanggang 40 na katao.

He owned the Silver Luck Luxury Club, a business he founded providing affordable luxurious yachts for rentals and charters for a romantic getaway, parties or any business events. His business was promoting the tourism of the Philippines. Kaya tied-up ang kanyang kompanya sa Department of Tourism at ang focus ng SLLC ay ipagamit ang kanyang mga yacht para libutin ang Pilipinas.

"Ano ang problema kay Makisig?"

"Tumawag po sa akin si Robert," anitong ang tinutukoy ay ang head ng maintenance. "Hindi pa raw po puwedeng gamitin si Makisig at mukhang hindi pa po ayos ang navigation lights at VHF radio po nito. Ayon po kasi sa booking agent natin, gagamitin po si Makisig papuntang Palawan for three days."

"Anong yacht na lang ang available?" tanong niya.

"Si Matapang po at Magiting na lang po, Sir," sagot ni Lorevie. Hindi puwede si Matapang na 56ft dahil 15 katao lamang ang kasya roon. Si Magiting naman ay masyadong malaki para sa 40 na katao. Magiting can accommodate 150 guests.

He sighed. Isang buwan na sa Maintenance si Makisig. Nasira ang navigation lights nito dahil sa maling docking. He needed to decide whether to refund their payment or to utilize his personal yacht or to deploy Magiting. It seemed like he was running out of luck. But reminding his three years of good business, the problem was nothing.

"Deploy Magiting, Lorevie. Explain the situation to our guests," he decided.

"Pero, Sir. Masyado pong malaki si Magiting. Talo po tayo sa maintenance at operating expenses," ani Lorevie. Lorevie was not the 'yes-sir-right-away' kind of secretary. And Drew meant it as a good trait for her. He liked hearing healthy arguments and opinions. She was intelligent but not overbearing. Assertive but not domineering.

"Yeah, I know, Lorevie. But quality service should be our priority here. Bawasan mo na lang ang manpower sa Food and Beverages kay Magiting. Complimentary na natin sa kanila ang ibang amenities ng yacht,"

"Yes, Sir."

"But next time, Lorevie. Wag na itong mauulit ha? I-verify na maigi ang mga ganitong transaction, okay?" he instructed.

"Noted, Sir."

"And one more thing. Do not be too hard to the booking agent for his mistake, Lorevie."

"Oh, I will skin him alive, Sir," she chuckled and Drew ended the call.

He laughed. He didn't mention that her 40-year old assistant has a strong sense of humor too.

Umupo siya sa nakapirming steel chair at humawak sa barandilya. Ang tunog ng tubig na bumabangga sa kanyang yacht ay parang musika sa kanyang pandinig. Pati ang amoy ng bay ay kumakalma sa kanyang nag-iigting na kalamnan. At ang papalubog na araw, ang kulay kahel na isinaboy sa kalangitan ay naghahatid sa kanya ng kapanatagan, para siyang hinehele noon.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now