“W-what are you talking about?” Sabi ko naman na medyo uutal-utal.

“My past…” Then his eyes became green. Nakita ko na ito dati. Noong ipinakita niya nga sa akin ito, may sumugod pa sa aming lalaking mukhang octopus eh. Pero kakaiba ngayon. The wind blew and trees shrugged. Kakaiba ang feeling.

“Look at my eyes and calm your mind.” He said in a soft voice.

I did as he said. Maya-maya, naging kakaiba ang paligid. The surrounding turned into the environment I saw before noong ipinakita ni Quen ang lahat sa amin.

“Kath, we are here.” Nagulat ako ng narinig ko ang boses ni Sam. Kanina kasi. Ako lang mag-isa ang nag-explore sa buong castle. “It is a part of my power. Kaya kong maglakbay sa nakaraan. This is different from Quen’s. He just showed you what he remembered, I will show you how it happened.”

Medyo kinabahan ako. “Bakit hindi mo sa kanila sabihin na alam mo pala ang lahat ng nangyari?” Lumingon siya sa kanyang likuran. Halos mamilog ang mata ko ng makita ko ang dating siya habang kausap ang babae na siya namang sumumpa sa kanila. Kakaiba. He is floating. He is really floating.

“That’s me. Gusto mo ba malaman kung bakit hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol sa mga nalalaman ko?” Napatungo na lang ako. Itinuro niya ang direksyon at minonstrahan akong lumapit. “Look closer so you can hear it loud and clear.”

 

 

 

 

 

 

At ganoon na nga ang nangyari. Lumapit ako sa kinaroroonan ng dalawa at pinakinggan ang mga bagay na sinasabi ng isa sa konseho.

CONCEALED VAMPIREWhere stories live. Discover now