BLOOD 27: DEEP IN SAM'S MIND

Începe de la început
                                    

“They are not the one who insisted. Ako, ‘di ba? Kung hindi kita pinilit… eh ‘di sana…”

 

 

 

 

“Tama ka naman na kailangan ko ng sabihin. I just cared about them.” Tumingin siya sa malayo, “Alam mo, ito ‘yung matagal ko ng kinatatakutan simula ng magbalik ang lahat ng ala-ala ko.”

“Teka, Sam. Ibig mo bang sabihin… nawala rin ang ala-ala mo?” Tumungo lamang siya. “Pero paano…”

“Nasa akin ang pinakamabigat na sumpa but the curse will never hurt me.” Bulong niya.

“Can you tell me what is it?”

Bumuntong-hininga si Sam.

“Okay lang naman if you decline it. Kapag handa ka na, siguradong masasabi mo rin sa akin ‘yan.”

 

 

 

 

Tumayo si Sam mula sa kanyang pagkakaupo sa bench, unti-unti niya akong nilapitan. He held my chin and I slowly stood up. Magkapalapit kaming masyado. I can feel his breath over my face. Inches na lang kasi at maglalapat na ‘yung mga labi namin. Hindi ko gustong lagyan ng malisya pero medyo tumagal kami na ganoon ang pwesto.

“Kath…” Narinig kong bulong niya. Hindi ko alam pero para akong nabuhusan ng sampung kilo ng yelo sa buong katawan. Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin makontrol ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong kaba ‘yun pero kakaiba. Hindi ko alam. Natatakot yata ako sa kanya. “If you knew it, will you keep it as a secret?”

 

 

 

CONCEALED VAMPIREUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum