xx39xx

1.3K 44 4
                                    


Parang kelan lang kinakainisan ko sya sa kayabangan nya. Yung Makita ko lang yung pag mumukha nya e nag iinit na agad yung ulo ko. kapag nanjan sya hindi ako matahimik. Ayoko pa nga sya tabihan o kausapin manlang. I just hate him back then but after so many months ibang iba na kami.yung dating kinaiinisan ko ngayon e mahal na mahal ko na! nakakatuwa lang isipin na dati ayaw na ayaw ko sa kanya pero ngayon hindi ko man aminin pero alam ko na nahahalata nyo na patay na patay ako sa kanya kainis gwapo kasi eh haha! Pag hindi ko sya nakikita hindi kumpleto yung araw ko. Kapag hindi ko sya nakakausap nalulungkot ako. Palagi ko syang iniisip tsaka palagi akong nag aalala sa kanya. Ano kayang ginawa sakin ng baboy na yun? Siguro ginayuma ko nun! Bakit ba kasi mahal na mahal ko sya?

"Hoy baboy! Ang tagal mo naman magtext?"

Pinatong ko sa study stable yung ulo ko. Habang hinihintay yung text ng magaling kong boyfriend napaka inam naman kasi. Antok na antok na ko kasi naman bigla nalang hindi magrereply si Edward alam naman siguro nya na may girlfriend syang maganda na nag aalala sa kanya. For sure bukas sa flag raising aantukin nanaman ako neto kasalanan to ng magaling kong boyfriend! Huhu badtrip naman sabi kasi wag muna daw ako matulog tapos hindi naman pala magtetext. Sira ulo talaga yung baboy na yon!

"Maymay matulog ka na." napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko, si ina pala

"Maaga pa pasok mo bukas anak"

"Opo na matutulog na po ako."

Makatulog na nga for sure tulo laway na tong si Edwardo na to.

Humiga ako sa kama at tiningnan ko ulit ang cellphone ko pero wala pa ring text si Edward. Natulog na ako pag bukas wala pa syang text sakin nako kakalbuhin ko na sya at aahitin ko yung kilay nya!haha humanda ka sakin Edward!

Pinikit ko na lang yung mata ko.. hay inaantok pa talaga ko

"Anak gising na!"

Teka lang five minutes pa.

"Hoy Marydale!"

Ang ear drums ko! Ang sakit sa tenga ng boses na to. Ay wait! Hindi boses ni ina to kaya dali ako napa dilat ng madinig ko ang kung kaninong ponsyo pilatong boses yun

"Ano titigan mo lang ako? Alam ko na maganda ko bumangon ka na nga jan!"

Langya naman tong si Vivo nakakainis di ba nya alam na antok na antok pa ko kasalanan to ni Edward e!

Anak ng siopao ang lamig nun ha! Tinapunan nya lang naman kasi ako ng napakalamig na tubig! Anong klaseng kaibigan sya? Wala syang puso. Huhu! Nabuhay tuloy bigla ang katawang lupa ko.

"Haha! Ayaw mo pa magising ha? Oh edi naligo ka ngayon!" tawa tawa pa sya jan argh! Nakakainis talaga.

"Sige tawa pa! bakit ka ba kasi nandito? Pano ka nakapasok sa kwarto ko? Lumayas ka na nga naiinis ako sayo!"

"Ayan kasi puyat puyat ka pa ha, tinanghali ka tuloy ng gising" tinulak ko na sya palayo ng kwarto ko

"tell me ikaw ba yung ma la-late? Hindi naman diba? Ako? Kaya ikaw kung ayaw mo matulog magpatulog ka!" sinaran ko nga sya ng pintuan. Ayan! Dapat lang sayo yan istorbo ka sa pagtulog ko e

Ang aga pa naman eh, ayan tulog hindi na ko makatulog. Paano na to mamaya? Patay talaga ako neto eh. Mabuti pa tingnan ko nalang ang cellphone ko

Aba wala pa ring text si baboy. Hays

Tapos na ako ready na ako. Wala naman na akong iba pang choice dahil hindi din ako makatulog dahil sa napaka galing kong kaibigan. Pambihira talaga!

MayWard: Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon(SHIP) ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon