xx34xx

834 36 1
                                    

Nakatulog na ko't lahat yung nangyari pa din kanina ang naiisip ko ano ba yan. Nakakabwisit lang kasi talaga pag naiisp ko yun kasi naman hindi manlang nya ko naipakilala dun sa babae na ako yung nililigawan nya worst thing is alam nya na nandun ako pero pinili nya na iwan ako at sumama dun sa babaeng kung sino man nga iyon.

Nag seselos ka lang Marydale

Sabi ng utak ko. Hala!Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kami. Ay oo nga no ang tanga ko din e alam ko naman na hindi kami pero bakit ako nasasaktan at bakit ako nag seselos. Wala kang karapatan Marydale kaya umayos ka!

Dahil sa pag kabadtrip ko kanina hindi ko na naenjoy ang bonding naming ng mga girlfriends ko kaya lalabas nalang ako magisa para pumunta sa pinaka malapit sa ice cream parlor.

"1 Double Dutch, 1 Coockies & Cream, 1 salad, 1 Rocky Road po yung grande padagdag na din po ng isang halo topings" pag kasabi ko nun ay umupo na ako at hinintay ko nalang na iserve yung ice cream ko

Ang sarap talaga netong Rocky Road hindi nakakasawa kaya isa to sa mga favorite ko eh.

Ang sarap talaga netong Rocky Road hindi nakakasawa kaya isa to sa mga favorite ko eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy Mary bat nandito ka? wag mong sabihing sinusundan mo ko"

"Gago kapal ng mukha mo Conde! Tigilan mo nga ako, ako nauna dito tapos ako susunod sayo baka ako sinusundan mo kung alam ko lang e patay na patay ka sakin wag mo na gamitin si Kira para pag takpan yang nararamdaman mo sakin"

Ganyan talaga kami ng kupal na to kaya hindi nakakapagtaka na nakasundo ko sya

"Eh ang dami mo namang ice cream problemado ka ba?"

"Pag madaming ice cream problemado agad? Hindi ba pwedeng nag crave lang Saka konti lang naman to"

"Sige sabi mo e" at tinitigan lang ako ng mokong

Alam na alam na talaga nya hays

"nakakainis kasi" mahinang sabi ko

"Inaano ba kita at naiinis ka sakin? Alam ko naman na gwapo ako pero yung para kainisan mo ko hindi ata tama yun" kunot noong tanong ni Conde

"Nakakainis kasi yung pag mumukha mo!"pabirong sabi ko

"Pero seryoso na Mary bat ba kasi naiinis ka ano nanaman bang nangyare?"

Nag aalangan pa kong sabihin sa kanya baka kasi pag tawanan nya ako sa ilang taong kakilala ko na to basta may problema nag aalangan ako lagi sabihin sa kanya eewan ko ba sa umpisa lang naman kasi sa huli nakikita ko yung sarili ko na kinukwento sa kanya

"Ganto kasi nag punta kami sa mall kanina tapos nabunggo ako ni Edward unexpected naman yung pag kikita naming tapos ayun nag kwentuhan kami saglit tapos may dumating na babae tapos yumakap kay Edward tapos kiniss sya sa pisnge"

MayWard: Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon(SHIP) ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon