xx23xx

931 42 4
                                    

Toinks toinks toinks Minsan mali ang ulo

Toinks toinks toinks Sundin mo lagi ang puso

Toinks toinks toinks wag judgemental masyado...

(an:// Tunog po ng alarm yan kung pagtatakhan nyo nakaka lss kasi yung bagong kanta ni Maymay e)

Ang ingay naman ng alarm na to gusto ko pa matulog hhuhuhuhuhu.

7:00am palang naman e huhuhuhu pwede pa naman siguro ko matulog

Tok.tok.tok

"Anak gising ka na ba?" tanong ng babae sa likod ng pinto

Ewan ko ba feeling ko nanaginip ako na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko pero bakit ganun lumalakas yung katok

Tok.tok.tok

"May anak gising ka na malalate tayo sa misa nyan."

Ay oo nga pala Sunday nga pala ngayon at magsisimba kami nila ina namiss ko to ngayon lang ulit kami makakasimba ng kumpleto

"Opo ina babangon napo ako"sabi ko kay ina at dali dali na bumangon para maligo

"Sige anak hintayin ka nalang namin ng ama mo sa baba" sabi ni ina at tuluyan ng bumaba

"Good Morning ama, ina Tara napo. Sorry natagalan" masiglang bati ko sa magulang ko na nakaupo sa sala na naghihintay sakin

"Aba ang ganda naman ng dalaga ko." Nakangiting bati sakin ni ama

"Naku ama binobola mo naman ako eh"

"Hindi anak san ka pa ba magmamana ade kay ina"pasimpleng niyakap ni ama si ina. Nako naglalambing nanaman baka kay amasundan ako wa.

"Nakoo maglubay kayong mag ama tara na" at nauna ng lumabas si ina ng bahay.

Simple lang ang suot ko black pants at shirt na medjo mahaba at naka shades

Sa Simbahan

Nakaupo na kami kasalukuyang nagsesermon si father ng may Makita ako na dalawang tao na tila ba mahal na mahal ang isa't isa ang sweet nila. Magkahawak ang kamay habang nakasandig sa balikat ng lalaki yung babae.

"Anak making ka wag kung san san nakatingin"siniko ako ni ina ng mahina sapat lan para maagaw nya ang attensyon ko

"po" mahinang tugon ko

"Sabi ko makinig ka wag kung san san lumilipad yang isip mo"mahinang sabi ni ina sakin.

Nahiya naman ako napansin pala ni ina na nawala yung attention ko kaya pinilit ko na wag sya pansinin wag sya isipin na hindi si Edward yung nakita ko pero dumarating parin yung punto na napapatingin ako sa gawi nila. Ngayon ko lang napansin na kasama pala nila ang pamilya ni Edward nandun yung mommy at daddy nya may kasamang isang babae siguro iyon si Laura akala ko nasa Germany ang mga ito haynako nag sinungaling kaya sakin si Edward? Pwede rin na kakauwi lang ng mga ito.

"Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa" wika ng pari

Kiniss ko si Ama at Ina bilang pagtanda ng pag galang pagmamahal at kapayapaan ko sa kanila ng napatingin ako sa gawi nila Edward at napatingin ito sakin kaya napangiti nalang ako sa kanya at nag peace be with you at umiwas na ng tingin.

Natapos na ang misa ng hindi ko manlang namalayan ganun ba kalala ang pag iisip ko kela Edward at hindi ko namalayan na natapos na pala ang misa sorry papa God kung hindi ako nakapag focus sa inyo. Huhuhu sorry po dalangin ko sa sarili ko kasi totoo naman e haynakooo Edwardddoooo kasalanan mo to e.

Naglalakad na kami papuunta sa parking lot ng simbahan.

"Tara breakfast tayo" aya ng gwapo kong ama

"Oo sa labas nalang tayo kumaen nakakatamad din magluto e"nakangiting sabi ni ina kay ama

"San mo gusto kumaen sweety?"nakangiting tanong sakin ni ama

"Kahit san nalang po ama"nakangiti kong tugon kay ama

At nagdrive na si ama ng biglang madaan yung sinasakyan namin sa isang fast food

"Ama dito nalang po pala tayo sa McDo"nakangiti kong sabi kay ama

"Ok my princess" dali daling pinark ni ama ang sasakyan namin at lumabas na kami.

"Ako na po ang oorder"nakangiti kong sabi kay ama at ina

Pumila ko sa counter ano ba yan ang haba naman ng pila ng biglang mabunggo ako ng isang lalaki sa pila

"Ay sorry miss"nakayukong sabi nito

"Ok lang po"sagot ko rito ng iyangat nya yung ulo nya

"PAULO/MARY"sabay naming sigaw.

Kaya napatingin samin yung mga tao sa loob ng fast food pati si Ama at Ina na nakaupo roon ay napatingin sa gawi ko kaya

"Ay sorry po" yun nalang nasabi ko sa kanila kasi naman tong si Paulo e

"Oh nandito ka pala"nakangiting sabi nya

"Ay wala ka look a like ko lang to" natatawang sabi ko sa kanya

"Grabe to ang aga aga ha. Sino kasama mo? Himala at sa labas ka kumaen?"nakangiting tanong ng gwapong lalaki na to

"Si ama at ina, nagsimba kasi kami e nag aya si ama na mag breakfast ayun kaya napadpad kami rito ikaw sino kasama mo?"nakangiti kong tanong

"Si mama at papa tas ate ko" tugon naman ni Paulo

"Pakilala kita mamaya" nakangiting sabi nito

"Oh sige pakilala rin kita kay ama at ina para naman matuwa ka" natatawa kong sabi rito

Sana wag ma alala ni Pau yung isang araw yung bigla akong nawala sana lang talaga cross finger

"Nga pala nung isang araw bigla bigla ka nalang nawala hindi ka manlang nagpaalam"bakas sa mukha nito ang pag kainis

Kakaisip ko lang n asana wag nya maalala e ano bayan nabasa ba nya yung iniisip ko mind reader ba sya?

Ano nga ba isasagot ko? Kasi may muntik ng magsamantala sakin tapos dumating si Edward to the rescue agad tapos inuwi nya ko sa condo nya tapos nag kiss kami. Pwero syempre hindi yan sinagot ko baka machismiss pa ko sa sobrang kadaldalan ng isang to.

"Ah ano kasi sumama pakiramdam ko hindi na ko nakapagtext sayo sorry"palusot ko rito sana naman maniwala sya. Titig na titig lang sya sakin

"ah okay nag alala kasi ako. I tried to call and text you but your phone is cannot be reached."sagot naman nya

"Hindi na kita nireplyan sa text mo kasi alam ko naman na magkikita tayo nun ko nalang sana iexplain kaya lang nagkita na tayo ngayon kaya sinabi ko na"pag dadahilan ko sa kanya

Kung alam mo lang yung totoo Paulo.

"ok lang"nakangiting tugon nito sakin at naglakad na papunta sa hulihan ng pila.

Ayun na nga at umorder na ko ng pagkain ng pagbalik ko sa kinakaupuan ng ama at ina ko wala sila kaya medjo nagalala ako palinga linga ako sa buong paligid ng Makita kong tumatawa sila sa isang table na may kasamang mag asawa din na di nalalayo ang edad sa kanila at isang babae kaya pumunta ko sa gawi nila at ng Makita ko ni ama ay kinawayan nya ko

"Oh mare pare eto nga pala ang unica iha ko" nakangiting sabi ni Ama

"Hello po Good Morning po" at bineso ko sila pati yung magandang babae na kasama nila

"Kagandang bata pala ng anak mo pare" nakangiting sabi nung lalaki kay ama

"Anak yan ang Tito Richard at Tita Lucy mo at eto ang ate Pauline mo anak nilang panganay" pakilala naman ni ama grabe parang pamilya nya kung makapag pakilala akala mo walang dila yung tatlo.

"Kasama rin naming yung bunso naming anak sya yung umorder ng pagkaen naming hintayin lang natin at ipapakilala ko sa inyo"nakangiting sabi ni Tito Richard

"Oh anak nandito ka na pala" nakangiting sabi ni Tita Lucy

MayWard: Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon(SHIP) ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon