*matinding kurot sa tagiliran*

"ARRRAAAAYYY!"

punyet@ ang sakit! Napahawak ako sa tagiliran ko dahil sa hapdi ng pagkakakurot niya.

"Aray, shit! Bakit mo ginawa yun?! Humanda ka sa akin kala mo!" pagbabanta ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa tagiliran ko.

Grabe pakiramdam ko bumaon na yung kuko niya sa tagiliran ko, pucha ang sakit!

Nakita kong naglakad siya papalabas ng pinto.

"Oy! San ka pupunta ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Uuwi muna ako sa amin..kukunin ko mga gamit ko,ikaw rin kunin mo na mga gamit mo...balik ako dito bukas.Ciao!" sabay nagwave sign habang naglalakad paalis.

"Aish. Saglit lang hintayin mo ako!"

Tumakbo ako papunta sa kanya. 

"Hintayin mo ako, sabay na tayo."

"Wag na. Magcocommute na lang ako, medyo pamilyar na naman yung daan. Tsaka mamaya manyakin mo pa ako eh! Tsss.."

HAH! Ang lakas din ng imagination ng babaeng 'to eh no? 

"nun mee cha suh! [you're crazy!]  Ako? Mamanyakin ka? Kung mangmamanyak man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang mamanyakin ko! Pipili ako ng maganda at matalino di tulad mo! Eh di wag kang sumabay! Bakit may sinabi ba akong isasabay kita? Maglakad ka mag-isa mo!"

"TALAGA!"

Sabay umalis na siya at naglakad.

"Aish...mababaliw na ako!" 

 *************************SAMMY'S POV***********************

 Nakakainis yung lalakeng yun! Bwisit! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

Para tuloy akong tangang nagdadabog dito sa sidewalk habang naglalakad kasi naman eh, inis overload na ako sa mokong na 'yun!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Teka teka bakit parang may sumusunod sa akin?

Napatingin ako sa likod ko. Baka guni-guni lang kaya dinedma ko na lang at binilisan ko na lang ang lakad ko.

Teka...para talagang sinusundan ako nung kotse eh! Eto na talaga, sure na akong di na 'to guni-guni lang! Sinusundan na talaga ako nung kotse, nasa likod ko na eh!

Oh naku, Diyos ko po! Iligtas niyo po ako sa mga masasamang tao.

Nagsimula na akong tumakbo kaso binilisan din nung kotse kaya naman nahabol pa rin ako.

Naku naman! Hindi nga si Sander ang mamanyak sa akin pero mukhang eto naman! Binilisan ko pa ang takbo ko.

Go Sammy Go! Kelangan mong tumakbo para makaligtas! Ipakita mo ang pagiging supergirl mo sa takbuhan!  Kelangan mong mabuhay para kay Shaun! Tandaan mong magiging asawa mo pa siya! Iyan ang iniisip ko habang tumatakbo, syempre kailangan ng inspirasyon!

Binilisan ko pa lalo ang takbo hanggang sa maalpasan ko na yung kotse.

Napayuko tuloy ako habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod, in all fairness, nakakapagod!

Nanatili ako sa ganung posisyon nang biglang may tumakip sa mga mata ko.

Automatic kong tinanggal yun kamay niya at humarap dun sa kung sino man na damuhong yun para sampalin at jombagin siya...malapit na ang kamay ko sa pisngi niya ng bigla niya itong pigilan, pagtingin ko kung sino...

Just MarriedWhere stories live. Discover now