[19] Painful truth

3.3K 71 9
                                    

"If the world fell apart, will you still hold my hand?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"If the world fell apart, will you still hold my hand?"

---xXx---

KABANATA XIX

NAGING matalim ang mga sumunod na tingin ni Mao. Dahan-dahan niyang inilalapit ang kanyang kamay sa kanyang espada. Hindi naman nagpatuloy sa paglalakad si Rain sa halip ay gumanti ito ng matalim na tingin at humarap sa kanila. Namulsa 'yon at tumindig ng tayo. Naramdaman niya ang paghawak ni Kyo sa kanyang balikat at binigyan siya ng isang makahulugang tingin.

"H'wag kang gagawa ng kahit anong bagay na ikakapahamak mo." Paalala nito.

"Hindi ko inaasahang makikita ko pa kayong buhay." may panunudyong saad ng prinsipe. Pilit niyang ikinakalma ang sarili niya sa sandaling 'yon kahit na gustong-gusto na niyang bigwasan ang mukha nito. Kating-kati na ang mga kamay niya hugutin ang sandata sa kanyang baywang ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa pagkakahawak ni Kyo sa kanyang balikat. Batid niyang kapag hinila niya 'yon ay pipigilan siya nito.

Mariin siyang napapikit. Dahan-dahan siyang bumuga ng hangin at muling binalingan ng tingin ang prinsipe. "Hindi ba dapat ako ang magsabi sa 'yo niyan? Totoo nga ang kasabihang matagal mamatay ang masamang damo."

"Para sa isang prinsipeng nagdala ng kaguluhan sa bayan. Kumuha ng napakaraming buhay kasama na ro'n ang kaibigan namin. Inaamin kong gustong-gusto rin kitang patumbahin sa oras na 'to ngunit kailangan kong maging matalino sa pagkakataong 'to. Sabihin mo sa akin, anong kapal ng mukha ang mayro'n ka para bumalik pa sa bayang 'to?" bahagya niyang nilingon si Kyo sa gilid. Ramdam niya ang inis na namamayagpag sa sistema nito dahil na rin sa bigat ng kamay nito sa kanyang balikat.

Maayos niyang naaaninag ang buong paligid sa tulong na rin ng liwanag na nagmumula sa buwan. Bakas sa mga mata ng kaibigan ang labis na galit na pilit nitong ikinukulong sa sistema. Ito ang unang beses na nakita niyang maging seryoso ang binata. sa tagal ng panahon na naging magkaibigan sila, ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang katangiang hindi pa niya nakikilala.

"I am the crowned prince. Natural na bumalik ako sa lugar na 'to dahil dito ako nagmula." Sarkastikong sambit nito. "At anong narating niyo para magsalita ng ganyan kagaspang sa harapan ko? Isa lang naman kayong hamak na naninilbihan sa palasyo. Mababang uri ng mga tao." Tumiim ang kanyang bagang sa narinig. Muli niyang hinawakan ang kanyang espada ngunit humarang si Kyo sa kanyang harapan.

"Sa tingin mo sino ang mababang uri ng tao sa atin? Ikaw na naturingang prinsipe at siya pang nananakit sa nasasakupan. Hindi na ako magtataka kung isang araw, kamuhian ka ng lahat. Layuan at walang magbabalak na magmahal sa isang tulad mo." Napansin niya ang pagbabago ng reaksyon ng prinsipe sa narinig. "Naawa ako para kay Eureka at isang tulad mo lang ang nagustuhan niya." Napalunok siya nang marinig ang kakaibang tono ng pananalita ni Kyo.

Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung papaano kumuyom ang mga kamao ng prinsipe. Ang gigil sa mukha nito nang marinig ang sinabi ng kanyang kasama. Tila ba nag-aalab ang mga mata nito sa gabing madilim. Hinawakan niya nang mabuti ang kanyang espada, bahagya niya ring inihanda ang kanyang sarili sa maaring mangyari. Palihim niyang ibinaba ang temperatura sa paligid ngunit nagulat siya nang maramdaman ang paglambot ng lupang kinatatayuan.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon