[6] Healing department

4.5K 135 15
                                    



(Pak to the new cover!) 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Pak to the new cover!) 

KABANATA VI


LUMIPAS ang isang linggo, handang-handa na si Eureka para sa pagiging mangagamot niya sa loob ng palasyo. Ang pangarap niya'y sa wakas ay nabigyang katuparan na. Panaginip ay nabigyang katotohanan. Sa dinami-rami nang mga manggagamot na nagsulit, iilan lang ang mga nakapasok. Tiningala niya ang napakalaking daan papasok sa palasyo. Ngayon, maari na niyang makita ang palasyo sa likod ng malalaking pader. Maari na niyang malibot ang lugar na 'yon na 'di pinipigilan ng ilang mga kawal. Makausap at makita sa personal ang mga namumuno sa kanilang bayan.

Isinuot niya ang puting uniporme. Simple lang ang kasuotan ang kasuotan na 'yon. Ang magkabilang manggas ay may pulang guhit maging ang ibabang bahagi ng damit. Hindi rin lalagpas sa tuhod ang haba ng tela at mayro'n pa itong puting roba na lagpas tuhod ang haba. Iniipit niya sa kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok habang naglalakad papasok sa palasyo.

Mayroong dalawang bahagi ang palasyo. Sa unahang bahagi nagaganap ang ilang mga pagtitipon samantalang nasa kabilang parte naman ang nagsisilbing trono at silid ng mga maharlika. Sa gilid na bahagi mayroong munting hardin na pinagtataniman ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Naroroon din nakatanim ang ilang mga halamang gamot na nakuha ng ilang mga mangagamot mula sa ibang lugar.

Sa tabi ng hardin ay naroro'n naman ang lugar kung saan siya magtatrabaho. May kalakihan ito, maayos ang pagkakadisenyo at maaliwalas ang kulay ng pintura. Mula sa labas, nakikita niya ang ilang mga manggagamot na abalang-abala sa paggawa ng iba't-ibang klase ng mga elixir.

Kumatok ang isang kawal sa loob kung kaya't napalingon ang lahat sa pintuan. "Narito na ang tatlong nakapasa sa nakalipas na pagsusulit. Kayo na ang magturo sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin sa lugar na 'to." Lumingon ang kawal sa kanya. Siya kasi ang pinakamalapit dito. "Mas maigi kung magtatanong kayo kay Alleah. Siya ang namumuno sa mga mangagamot na narito."

"Maraming salamat sa paghatid sa amin."

"Walang anuman. Kailangan ko nang bumalik sa pagbabantay. Maiwan ko na kayo."

Iginala niya ang paningin sa buong silid. Mas malaki 'yon ng dalawang beses kung ikukumpara sa kanilang tindahan. Mas marami ring kagamitan at maayos ang mga pasilidad nito. Mukhang matatakot pa nga siya kung makakapagkalat siya kung sakalaing gumawa na siya ng gamot.

Tinanggal ng isang babae ang suot-suot nitong face mask. Mahaba ang itim nitong buhok na nakatali sa likuran. Makinis at maputi ang mukha. Ngumiti ito sa kanya na kaagad naman niyang tinugunan ng ngiti. "Kamusta. Ako si Alleah. Ako ang namumuno rito. Congratulations nga pala sa pagpasa niyo sa pagsusulit."

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon