Chapter 23: BLOOD BY BLOOD

Start from the beginning
                                    

"Ate Caren!" Ang muling tawag sa kanya ni Margaux. Umiiyak ito na nakatayo sa harapan ni Alex na tila hinihintay nito ang kanyang pagbabalik.

Napalingon si Caren kay Margaux at sa mga sandaling iyon ay tila hindi na niya kakayanan pa. Noon lamang niya napansin na naroroon pa rin pala ang mga kaibigan at sa tingin niya ay sugatan ang mga ito. Sila ang kanyang tinuturing na niyang pamilya, ang pinakaimportanteng tao ngayon sa kanyang buhay.

"Ma...Margaux..." Ang halos pabulong na wika nito sa batang babae na duguan ang ulo at ang suot nitong damit na natuyuan na ng natuyong dugo. Akmang tatakbo na sana siya papunta sa kinaroroonan ni Margaux ng pinigilan siya ni Jared, ang isa sa pinakamatandang miyembro ng kanilang angkan.

"Anong balak niyo sa kanila pinuno? Kailangan po ninyong magpalakas at mainam po sa inyo ang malusog na batang iyan." Ang nakangising wika ni Jared sa kanya.

Nag-init ang tenga ni Caren sa kanyang narinig. Mabilis na nilapitan niya si Jared at sinakal ito sa kanyang leeg gamit ang kanang kamay. Walang nagawa sa pagpupumiglas ang lalake lalo na ng iniangat siya ni Caren sa ere.

Napatingin lahat sa kanila ang mga kasamahan nila at pagkadismaya ang nangibabaw sa kanilang mga mukha.

Nanatili lamang sa pagmamasid sina Demetria at ayaw na nilang makialam sa problema ng mga taong-lobo. Sa mga sandaling iyon ay alam na nila kung sino ang kanilang papanigan kapag dumating ang oras na kailangan na nilang makialam.

"Walang kahit na sino man sa inyo ang puwedeng humawak man lang at manakit sa mga kaibigan ko! Sino man ang sumuway nito ay ako ang makakatapat sa labanang kamatayan!" Ang buong tapang na wika ni Caren sa kanyang mga kasama na gustong pumatay sa kanyang mga kaibigan. Binitiwan niya si Jared sa pagkakasakal niya dito na bumagsak sa kalsada.

Halos mapaurong ang lahat ng mga natitirang pang mga taong-lobo sa pagkabigla at takot sa inakalang patay na si Jared. Sa takot ay nakalimutan na ang mga kasamahan nilang kasalukuyang nasusunog para hindi tuluyang maging bampirang Strigoi. Maging sina Demetria at Sagaway ay natigilan din sa pagsusunog sa mga nalalabi pang mga katawan ng Strigoi na nagkalat sa kalsada na pinagpira-piraso ni Alimog sa himpapawid. Nanatiling nakamasid naman si Randy at pilit na inaalala kung saan niya nakita si Caren na pamilyar ang hitsura.

"Pero hindi yata tama yan! Wala pang Alpha ang nag-utos niyan sa amin! Kalapastangan na sa angkan ng mga Lycan ang iyong ipinagagawa sa amin!" Ang pasigaw na wika ng may edad na babaeng galit na galit sa kanilang bagong pinuno.

Naalala ni Margaux ang mukha ng babaeng nagsalita. Hindi siya puwedeng magkamali. Siya ang babaeng asawa ng napatay na taong-lobo ng kanyang kuya Adrian sa may San Fernando sa Pampanga. Tumingin si Margaux sa kanyang kuya Adrian na nasa tabi ng kanilang tito Alex.

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa mga kasapi at lahat sila ay nadismaya sa kanilang narinig sa kanilang bagong Alpha.

"Dahil alam kong mayroong pang paraan para hindi kailangang pumatay ng tao para lang tayo ay mabuhay!" Ang sabi ni Caren sa kanyang mga kasama.

"Imposible ang sinasabi mo mahal na pinuno. Laman at dugo ng tao ang bubuhay sa atin ay ito na ang pagkakataon para hindi na namin kailangan pang magtago sa mundong ito! At ito na rin ang tamang panahon para pamunuan ng mga anak ng buwan ang daigdig na ito. Walang makakapigil sa amin para isakatuparan ang plano ni diyosang Bulan para sa kanyang mga anak, kahit na ikaw na bagong Alpha ay walang magagawa rito!" Ang matapang na tugon ni Jared kay Caren habang hawak nito ang nanakit na leeg.

"Jared! Isang paglapastangan ang ginagawa mo sa ating bagong pinuno!" Ang pagtatanggol ni Ceasar kay Caren.

"Paglapastangan, kapatid na Ceasar?! Paglapastangan ba na sagipin ang ating angkan sa paniniwalang hindi akma sa ating kinaugalian? Nakikita mo ba ang sarili mo Ceasar? Isang traydor na nagbubulagbulagan sa pagkampi sa huwad na pinunong iyan!" Ang nakangising wika nito na animo'y iniinsulto ang kakayahan ng kanilang bagong pinuno.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now