Napatingin ako kay Aya, at ayun, nakangiti ng nakakaloko. Bakit naman sa lahat ng makakapartner ko, siya pa?!!! Mamaya niyan, matempt pa ako na itanong sa kanya yung tungkol kay Tita Katrina eh!! Chismosa at birth pa naman ako!!

Pumunta kami sa Home Eco room at kanya kanya na kami. Yung partner ko? Sino yun? Hahaha! De, joke lang. Andun sa gilid, may nakasaksak na earphones sa tenga. You knows naman, 'di mo alam kung ano trip ni Drake minsan. Pagbigyan na! At tsaka mamaya nyan biglang matanong ko pa yung tungkol kay Tita Katrina eh tapos tignan pa niya ako ng nakakatakot!!

Kumuha ako sa pantry ng ingredients para sa strawberry cake ko.

"Lalala~" 

Naghuhum pa ako. Tama, stress reliever talaga ang pagbbake. Kakalimutan ko muna yung pag ibig ko kay Sheen at yung affair (?) nina Drake at Tita Katrina. Go, Alys Zyril Perez! You can do it! Hoooo!!!

Natapos akong magbake at Tadaaaaaa~ Tapos na ang masterpiece ko. Hahaha! I'm so proud of myself!! Iuuwi ko 'to sa bahay. Hehehe.

Nilagay ko muna sa refrigerator yung ginawa ko at pumunta ako sa hallway para sa locker ko. Kukuha ako ng damit kasi ang dumi ko nang tignan. Tapos na halos lahat ng classmate ko kaya siguro wala ng tao pagbalik ko sa H.E. room. 

Pumunta ako sa shower room. Hmm. 4:30 pa lang naman. Maliligo muna ako. Ang saya talaga dito sa school, lahat ng kailangan namin nandito na. Masaya talagang maging mayaman. Hehehe.

Mga 5:30, tapos na akong maligo. Nagtext din pala si Aya na nauna na siya. Gaga talaga yun!!

Pumunta ako sa H.E. room para kunin yung cake ko ng may makita akong nagbbake? Hmm. Sino kaya yun? Weird. Ang tagal naman yata niyang matapos.

Hindi ko na siya pinansin at dire diretso na sana ako sa fridge para sa cake ko pero nung naaninag ko yung mukha niya----- "Drake????"

Sheet! Hindi nga? Si Drake? Nagbbake?? Ng cake??

"Ah, shit. Ano bang problema mo??"

Omaygod!! Nagsalita na siya!!

"Ah-eh-ano---"

"Tss," tapos hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Mukhang hindi niya alam yung gagawin niya kasi lagay lang siya ng lagay ng ingredients dun sa bowl.

"Ah-eh, mali yung ginagawa mo.."

Tinignan niya lang ako ng masama. =___= Ano ba kasi yung ginawa ko para tignan niya ako ng masama?????!!!!

"Tss! Bahala ka nga jan. Autistic."

Aalis na sana ako dala yung cake ko pero pinigilan niya ako, "ho-hoy!! Bakit mo kinukuha yung cake ko?!!"

Ayos din eh! Biglang inagaw yung box ng cake??

"Akin na 'to. Gumawa ka na lang ng bago."

Tapos inagaw niya ulit. Mukha kaming tanga. Nag aagawan kami sa box. =___=

"Eh akin nga to eh!!!"

Tinignan na naman niya ako ng masama. Natatakot na ako (._.)

"Aish!" Sabi niya tapos binitiwan niya yung box kaya nalaglag. Nagulat yata siya, "kulit mo kasi eh. Tss," tapos pinulot niya yung box.

Yung strawberry cake ko... Why did you leave me?

"Oh," inabot niya sa akin yung box na may lamang gutay gutay na cake.

"Anong gagawin ko jan?"

"Titigan mo. Tss," ayan na naman siya sa pa Tss Tss niya!!

Tumalikod siya tapos, "Hoy, Drake Palma! Wag mo akong talikuran pag kinakausap kita!!"

Tumigil siya sa paglalakad pero nakatalikod pa din siya sa akin, "Sinira mo yung cake ko kaya palitan mo yun!!"

"Tss, how annoying," sabi niyang mukhang bored na bored.

"Annoying your face!! Gagawa tayo ng cake whether you like it or you like it! Tinext ko na kila mommy na may cake akong dala eh!"

Tapos hinila ko siya pabalik sa pantry. Pang dalawang cake yung kinuha kong ingredients.

Nandun siya sa isang counter, andun ako sa isa. Nilagyan ko siya ng ingredients sa harap niya.

"Since matalino ka naman, alam mo na yan. Hehehe," tumawa ako pero hindi siya tumawa. Ang sama ng tingin niya sa akin!!!

"Joke lang!! Tumawa ka naman!! Anyways, tignan mo na lang yung gagawin ko then gayahin mo. Gumagawa ka din kanina di ba?"

Tinignan niya lang ako. Nice talking talaga eh.

Nagsimula na ulit akong magbake. Mix mix dito, mix mix jan. Hooo. Ang saya sa feeling. XDD

Nung pagtingin ko sa kasama ko, may flour siya sa mukha. Hehehe! Mukha siyang tanga!! Hooo! First time siyang nagmukhang tanga!! Mukha kasi siya laging matalino eh. Hehehe.

"Psst," tawag ko sa kanya, "psst," hindi pa din siya tumitingin.

Lumapit ako para tanggalin yung flour sa mukha niya pero umiwas siya.

"Sorry.. May dumi kasi sa mukha eh.."

Tinignan niya lang ako tapos pinunasan niya yung mukha niya. Grabe, may mas cold na tao pa ba sa kanya??

After an hour, natapos na din kami. Hmmm. Ang ganda nung cake ko!! Yung kay Drake? Uhhh-- nevermind. Wahaha! I beat him!! Record to!! 

Linigpit na ko yung pinagkalatan namin. Syempre, being Drake Palma, hindi niya ako tinulungan!! Ano pa ba ang ieexpect ko sa kanya?? Pero mabuti na to kaysa tignan na naman niya ako ng masama!!

Lumabas kami ng campus by 6:30. Nakoo, papagalitan na naman ako. Forever na akong ginabi ng uwi. 

Sa kaliwa ako, siya naman sa kanan. Pero bakit sa kanan ako papunta??

Aish!!! Ang hirap talagang maging chismosa!!

Oo na, ako na ang chismosa. Sinundan ko si Drake hanggang sa bahay nila. This time, nag ingat na ako!! Mamaya mahuli na naman niya ako at tignan niya nung killer eyes niya eh!!

Nakarating din kami sa bahay nila. Pumasok siya sa gate. Syempre, mejo kilala na ako ng guard dito dahil ipinakilala ako ni Tito Steve. Hehehe. Nakapasok din ako sa loob pero nagtago agad ako sa bushes sa gilid.

Nakita kong inabot ni Drake kay Tita Katrina yung box ng cake.. Para sa kanya pala yun.. Eh ano bang paki ko??? Eh ang pangit naman nung cake!! Pero its the thought that counts di ba???

O_O

Bakit sila nagkiss?????!!!!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon