Chapter 22

1.2M 25K 7.7K
                                    

Chapter 22

"Ay, may himalang naganap?"

>.>

"Ay, masamang mag aral??" sabi ko kay Aya! Grabe ha!! Napaka judgmental talaga ng mga tao!! Porket nakita lang akong may hawak na libro, himala agad?? Hindi ba pwedeng nilait lang nung lesheng Drake Palma na yun?? Grrrr! Kaasar!!

Umupo siya sa tabi ko, "sorry naman, Besh. Ang init agad ng ulo. Ano ba yang pinag aaralan mo?" tanong niya sa akin.

"Trigonometry," sagot ko, "aral tayo?"

Haaay! Bakit ba kasi napakatalino nung bwisit na Drake na yun!! Nappressure tuloy ako!!

"No, thanks. Masaya na ako sa alam ko," sabi ni Aya tapos inilayo niya yung Leithold sa kanya. Tignan mo 'tong babae na to! Wala talagang pakielam sa grades niya! Kawawa naman sila tita. Parang laging aatakihin sa puso tuwing makikita yung grades ni Aya. Hihihi. Pati din naman sila mommy eh. Hihi.

"Eh bakit ka naman kasi biglang naging interesado diyan, Alys? End of the world?"

Inirapan ko nga!! Hmp! Simula ngayon, lagi na akong mag aaral sa school para mukha akong matalino! Pati makapagpabili nga ng glasses para full effect ang nerd look ko!!

"Leshe. Tahimik nga, nagcconcentrate ako," sabi ko tapos binuksan ko yung libro.

Gosh! Table of contents pa lang nahihilo na ako!!

Sinubukan kong basahin.

Yuko sa lamesa.

Sarado ng libro.

Ayaw ko na.

"Ay, aya! Abay nga pala tayo sa kasal nila Tita Katrina! Hihihi!" sabi ko kay Aya! Excited na talaga ako!! Ano kayang motif nila?? Kahit na ano na lang. Bagay naman sa akin lahat ng kulay! Ganyan talaga pag maganda! Wahaha!

Inirapan ako ni Aya, "yuck. No, thanks. Ayoko ngang umabay sa kasal nung pedophile na yun. Over my dead body noh!"

"Grabe ka naman, Aya! Kasal din kaya ni Tito Steve yun!"

"Ay kainis! Oo na nga!" sabi niya. Ang lakas talaga ng allergy ng babaeng to kay Tita Katrina!! Dinaig pa ako na may crush kay Drake eh!

**

Eydee's Point of View

Nag bell na at nagpasukan na ang mga estudyante ng St. Claire's sa kani- kanilang mga silid aralan. Ay! Ang hirap mag straight Tagalog. Well, anyways, magkaiba na nga ng classroom sina Drake at Alys. Hmmmm. Hindi naman natin masisisi na nalipat si Drake dahil matalino talaga. At isa pa, naaabuso siya dun sa dati niyang section. Ginagawang source ang notebook ni Drake. =__= Si Aya kasi eh, pinapalibot sa buong room yung assignment ni Drake.

Natapos naman ang buong klase na walang kakaibang nangyari. Ay, meron pala! Nag volunteer si Alys na magsagot ng problem sa board! Improving talaga!

"Class, those who are under the tutorials, please do stay," sabi nung teacher nila Alys.

=____=

Akala pa naman ni Alys, Drake free ang araw niya ngayon! Hindi niya pa kasi nakikita si Drake simula nung tumuntong siya sa grounds ng St. Claire's! Ngunit diyan siya nagkakamali dahil buong hapon silang magsasama! Mehehe!

"Kainis! Kainis! Kainis!" sabi ni Alys. Hehehe. Obvious naman na naiinis parin siya kay Drake. Grounded pa din kasi siya hanggang ngayon. 2 weeks kaya yun!

Habang si Aya naman ay.. "Hehehe. Sa wakas, hindi ko makikita si Kent ngayon!!"

Naglakad sila papunta sa lugar na pagttutor-an nila. Si Aya, sa library, si Alys, dun sa study area.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon