Chapter 32
-Alys-
"A-ano po?"
Bumuntong hininga si Tito Steve, "pwede bang maupo muna tayo?"
Tumango ako tapos pinapasok ko siya sa bahay namin. Buti na lang wala si mommy at daddy. Para kasing ang weird ng pag uusapan namin.. Tsaka iiyakan ko si Tito Steve pag tinotoo niya yung sinasabi niya!! Nagsisimula pa nga lang kami ni Drake tapos ganito na agad agad?? Wala pa kami sa climax, ending na agad??
"T-tito Steve, nagjjoke po ba kayo?"
Ngumiti siya pero pilit na pilit lang, "sana nga nagjjoke lang ako, Alys. Pero seryoso kasi 'to eh.."
"Ano po ba yung dahilan??"
Bakit ba nagagalit si Tito Steve?? Eh buntis nga si Tita Katrina kaya dapat ang saya saya niya ngayon!! Tsaka hindi niya naman alam yung kay Drake at Tita Katrina, di ba??
O________O
BAKA NAMAN ALAM NIYA NA???
"Basta, Alys. Hiwalayan mo muna si Drake. Para naman sa lahat 'to eh.."
Umiling ako, "ayoko po."
"Alys naman.."
"Tito Steve naman din, bakit ko gagawin yun eh ni hindi niyo man lang ako bigyan ng matinong rason."
"Bata ka pa, Alys. Hindi mo maiintindihan. Iwanan mo na si Drake, ikaw lang din yung masasaktan eh."
"Tito Steve, sabi nga nila, how would you know if it's love if there's no pain?"
Nangiti si Tito Steve, "eh di sobrang pagmamahal na pala yung meron ako kay Katrina kasi ang sakit sakit na eh.."
Hala ka, Alys!! Pinaiyak ko yata si Tito Steve!!
Lumapit ako kay Tito Steve kasi umiiyak siya. Jusko po, Lord. Ayoko po sa mga lalaking umiiyak, nappressured ako!!
"Tito Steve, wag po kayong umiyak!! May problema po ba kayo??"
Umiling siya, "hindi mo din naman maiintindihan.."
"Promise iintindihin ko po!!"
"Bata ka pa.."
"Age is but a number. Try me, Tito Steve!! Sabi ni Drake nagiging profound na daw ako!!"
Ngumiti siya, "sigurado ka?"
Tumango ako. Hinga, Alys.
"Buntis kasi ang Tita Katrina mo.."
"Oo nga po sabi ni Drake."
Napatingin siya sa'kin, "sinabi ni Drake sa'yo?? Ano'ng sabi niya??"
Tumingin ako kay Tito Steve. Sasabihin ko na nga yung alam ko. Sabi kasi ni Drake, gusto niya daw yung pagka honest ko.
"Tito Steve.. alam ko po kasi yung kay Tita Katrina at Drake.. Hindi naman po si Drake ang tatay sabi niya.."
Pumikit ako.
Tatakpan ko ba yung tenga ko??
Sisigaw ba siya??
-__o
o__-
o__o
Ngumiti lang si Tito Steve pero ang lungkot lungkot nung ngiti niya.. "So, ako lang pala yung walang alam.."
"Hala, Tito Steve, hindi po ganun!! Wag po kayong umiyak TT^TT"
Tumayo siya, "sige, Alys. Aalis na ko."
BINABASA MO ANG
Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)
Teen Fiction"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay n...