CHAPTER 1: The Silver Coin

Start from the beginning
                                    

Hindi na siya nakasagot dahil hinihila na siya ng antok. Kumanta ito ng lalabay habang idinuduyan siya nito. Pamilyar sa kanya ang inaawit nito.

Ikaw ba ang Mama ko? Iyon ang gusto niyang itanong ngunit tuluyan na siyang iginapos ng antok.

Napakapayapa ng pakiramdam ni Donna at ang pagod niya ay parang basang damit na unti-unting natutuyo at tinatangay ng hangin. Gusto niyang matulog kasama ang kanyang ina.

Kaya may pagtututol sa kanyang kalooban nang tumigil ang duyan at biglang inalog iyon. Umungol siya bilang pagtutol.

"Donna!" anang isang tinig. Mas matinis iyon at iba sa tinig na narinig niya kanina. "Donna, gising na!" Tinampal nito ang kanyang braso at naalimpungatan siya. Saglit niyang kinalma ang diwa.

Nakatayo sa harapan niya si Jas. Napabuntong-hininga si Donna nang mapagtantong isa lamang panaginip ang lahat. Ni hindi man lang niya nasilayan ang mukha ng kanyang ina.

"Pasensiya ka na ha? Ang dami kasing guest ngayong araw na ito kaya natagalan ako," hinging paumanhin ni Jas. Tinignan niya ang orasan. One-forty PM. Nakatulog siya ng forty minutes sa lobby habang hinihintay ang kakaklase niyang si Jas na matapos sa shift nito sa housekeeping.

Hanggang ala-una ng hapon lang ang duty nila sa On-the-job training nila sa Kartini Hotel and Casino sa Imus, Cavite.

"At saka may ibinigay pa kasi sa akin si Gibson, friend," tukoy nito sa isang student trainee na galing ibang school. Patay na patay ito sa lalaki. "Hulaan mo," masayang saad nito.

"House and lot," bagot na sagot niya.

"Ang kill joy mo talaga sa happiness ko kapag mga ganitong bagay. Tatandang dalaga ka niyan," panenermon nito.

That's good to hear!

"Ano ba ang binigay niya sayo?" tanong niya habang kinukuha ang mga gamit para makaalis na sila. Inaantok pa rin ang pakiramdam niya. At gusto niya ulit mapanaginipan ang kanyang ina.

"Ito oh!" At ipinakita nito sa kanya ang isang sulat. "Sabi ko sa'yo eh, may gusto siya sa akin."

"Happy for you. Tara na at gusto ko ng magpahinga," aya niya sa kaibigan. Napakagat labi ito na ang ibig sabihin ay may biglaang lakad ito. "Huhulaan ko, inaya kang lumabas ni Gibson?"

Tumango ito. "Pero puwede ka namang sumama friend eh. Please, suportahan mo naman ako sa kaligayahan ko."

"Three is a crowd and I---"

"You hate crowd," pagtutuloy nito. "Sorry na bestfriend. Promise babawi ako sa susunod."

"Ano pa bang magagawa ko? Go and have some fun," nakangiting saad niya.

"Thank you. Sigurado kang ayaw mong sumama?"

"I am good," nakangiting paalam niya sa kinikilig na kaibigan.

Minsan naiisip ni Donna kung kailan din kaya niya mararamdaman iyon? O mararamdaman pa ba niya? Ipinilig niya ang ulo. Sa edad niyang dalawampu, natutunan niyang state of the mind lang ang ibang nararamdaman ng tao. Maaaring balang araw magkamali siya pero habang iyon ang pinaniniwalaan niya, maayos at walang komplikasyon sa buhay niya.

Kaya malaki ang respeto ni Donna sa mga taong single pero masaya sa buhay at hindi nagpapaapekto sa dikta ng lipunan na kailangang maghanap ang isang tao ng kanyang partner dahil malungkot ang mapag-isa o kaya walang mag-aalaga sa'yo kapag tumanda na.

Ano iyon? Maghahanap ng partner para magkaroon ng clown? At bigyan ng burden ang mga magiging anak para mag-alaga sa mga magulang pagtanda? Maling pananaw iyon para kay Donna. Napaka-selfish na pananaw.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now