I Dare You (The Plan)

91 6 2
                                    

Prologue

"Love can kill."
Yan ang pinanghahawakan ko mula pa nong first year highschool ako.
Dahil mahal mo ang tao,
handa mong gawin ang lahat para sa kanya.
Pati na ang PUMATAY.

Nabigla na lang ako nang tumawa si Georgina.
"Walang katotohanan, never kong gagawin yun no! Dahil lang sa pag- ibig na yan, papatay ako?", madiin nyang sabi habang nakatingin kay Chris (boyfriend nya).
" Kahambugan ang tawag dyan.", dagdag pa nya.
"Take your sit angelica.", sabi ni maam.
"We can say that it is true but it depends on the person who is loving, minsan kasi, pinipilit nila ang gusto nila, right? Which is wrong. We must accept the reality na hindi sa lahat ng panahon na iibig ka ay iibigin ka din.", dagdag pa niya.

Natapos ang klase na yun ang pinagmumuni- munihan, lumabas ako ng room para pumunta sa canteen nang masalubong ko si Leonard, the Joker.
"Papatayin kita!", nang aasar na sabi ni Leonard sabay tawa.
"Not funny!", sabi ko naman.
"Ang weird mo!", natatawang sambit nya.
"Its the reality.", seryosong sagot ko.
Natahimik na lang siya. At nagsalita din kaagad.

"By the way, this semi break, trip naman tayo.", pang iiba ng usapan ni Leonard.
"Huh?", naguguluhang sabi ko.
"You know, diba boring sa mga bahay bahay natin. So lets have fun."
"Sino naman mga kasama?"
"The barkadas, sino pa ba?"
"Maaout of place na naman ako. Hmm. No, sige sasama ko na lang si Neth."
"Sure, no talkshits huh."
"Okay, Okay!"

Chapter 1
November 1, 2017

Angelica's POV

Nasa isang van kami, katabi ko si Neth na nagkikilay. Nasa pinakadulo kami ng van, one row can occupied by four persons. Katabi namin yung sweetlover ng barkada, si Queen at Ken. Nasa harapan namin sina Georgina at Chris na katabi sina Geraldine at Mae. Sa harap naman nila ay sina Lovi at ang bestfriend nitong si Anton. Si Mitch naman ay nasa gitna ng dating magbestfriend na si Anton at Daniella. Nasa Driver seat naman si Leonard katabi nito si Mira at Rose.

Its already 7:00 in the evening, nagdadrive pa rin si Leonard. Dahil nabobored, nagrequest si Lovi.
"Leonard, can you please open the radio.", flirty voice.
"Your wish is my command, baby."

Comin' over my direction
So thankful for that
It such a blessing
Turn every situation into heaven, yeah.

"Despacito!", birit ni Neth
Napatigil ang lahat nang biglang dumilim ang daan.
Walang imikan, halos kinakabahan ang lahat.
Konting saglit pa ay bumalik ang liwanag.
At nagpatuloy pa rin ang biyahe ng barkada.

May napapansin akong mga kakaiba sa dinadaanan namin. Nasubsob ako sa sandalan ng upuan sa harap dahil sa lakas ng impact ng pagkakapreno ni Leonard.

"Aray!", sambit ng lahat.
"Guys, sorry, may nabangga ata tayo.", kinakabahang sabi ni Leonard.
Bumaba ito at agad tinignan ang nabangga.

Leonard's POV

Nagulat na lang ako nang may biglang sumulpot sa daan. Dahil dun ay napapreno ako.
"Aray!", sambit ng lahat.
"Guys, sorry, may nabangga ata tayo.", kinakabahang sabi ko.

Bumaba ako nang walang sabi sabi. Nabigla ako nang makita ko nga ang babae.
Halos di na makilala ang mukha dahil sa pagkagasgas ng mukha nito sa lupa. Naliligo sa sariling dugo nakadilat at basag ang noo nito.
Bumalik ako sa van at sinabi sa kanila ang nakita.

"Guys, tingnan nyo."
"Ano na naman Leonard? May nakita kana namang mas maganda sa akin.", sambit ni Lovi.
"Sabagay, wala nang mas gaganda sayo!", ani Angelica
"Bukod sa akin.", pahabol ni Georgina.
At nagtawanan ang lahat.

"Guys, hindi ako nagbibiro!", seryosong sabi ni Leonard.

I Dare YouWhere stories live. Discover now