Chapter Four

8 1 0
                                    

C H A P T E R F O U R

ang magkapatid na lupa

“Pupunta nga pala si Jazz dito mamaya.” sabi ni kuya habang nagda-drive. 21 years old na si kuya pero di pa siya tapos sa pag-aaral kasi nag-shift siya ng course. La lang, just saying.

“Oh? Nakabalik na si ate jazz?” tanong ko na may halong gulat at excitement

“Yup. Ako ang sumundo sakanya kahapon.”

Si Ate Jazz ay bestfriend ni kuya. Sobrang close din namin, at sobrang comfortable namin sa isa’t isa. Minsan nga pinagtutulungan namin si kuya eh. Pero feeling ko gusto ni kuya si ate jazz eh.  Siya lang yung kaisa-isang babaeng dinala ni kuya sa bahay kahit naka-pitong na gf na si kuya. Bwisit yang kapatid ko eh. May balak yatang gayahin si Stephen cruz. Sinasapok ko nga yan minsan pag nalalaman kong may bago nanaman. Masakit kaya maloko lalo na kapag minahal mo nang sobra.

-----------------

Naglalakad ako papunta sa room nang biglang may nakabangga sakin. Napakagat ako sa labi ko sa inis tapos automatic na tumaas yung kaliwang kilay ko. Pero imbis na sumigaw ako, napag-isipan kong mag-chill out muna kasi umagang umagang ha-high bloodin ako. Aba! mabait na damo ako kaya ayokong mamatay kaagad. Sabi kasi pag masamang damo matagal ang buhay diba? Kea mahirap pag nagkasakit ang mabait na damo, baka mamatay ako kaagad.

Tinulungan ko siyang pulutin yung mga nahulog niyang libro, he’s a boy and I think he’s a freshman?, or a sophomore? Well, I don’t care.

“Sorry.” nakatungong sabi niya habang pinupulot niya parin ang mga libro.

“Well, the damage has been done and why are there policemen and laws kung valid naman pala ang sorry? By the way, ayos lang yun.” sabi ko sakanya tapos bigla siyang napatingin sakin

“Why?” tanong ko kasi ang tagal ng titig niya sakin. “Ah, nothing.”  sabi niya tapos may napulot akong libro at isang picture and may isang grupo dun na mukhang nahulog mula sa pagkaka-ipit sa libro tapos nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha sakin yung picture and naglakad na siya palayo.

 Medyo familiar yung picture. Pero..nevermind, gutom ako and may 30 minutes pa. Maaga kasi ang mga kaldero ngayon kaya maaga din ang gising ko.

Naglalakad ako papuntang canteen nang biglang may nakita akong figure ng isang lamang lupa. Nakatalikod siya, and nasa may tabi siya ng pinto ng faculty room. Mwahahahahahaha!

I guess it’s time for revenge.

Pinulot ko yung bote kasi yun yung una kong nakita at ibabato ko na sana ito sa ulo niya nang bigla may lumabas sa pinto na teacher na......BABAE!

Nabitawan ko bigla yung bottle tapos nagbago yung mood ko. Siguro kasi hindi ako nakapaghiganti sakanya. OO yun lang yun!Tch. Nasipa ko tuloy bigla.

Biglang napatingin sakin yung dalawa na nagtatawanan pa man din. Ipa-abduct ko sila sa mga ka-tropa kong alien eh.Tinaasan ko lang sila ng kilay and nagpunta na akong canteen.

ANOOBA?! BAKIT ANG MALAS MALAS MALAS MALAS MALAS MALAS NG ARAW NA ‘TO! Ang haba haba ng pila. Syempre,kahit naman badass ako...marunong naman akong mag-abide ng rules and regulations.

Then nakita ko si Boy na nakabangga sakin kanina, napatingin siya sa direksyon ko at nakita niya akong nakangiti sakanya kaya’t ngumiti naman siya sakin. Tinuro ko yung mga pagkain na nakahain gamit ng lips ko at mukhang naintindihan niya naman kaya naghanap agad ako ng mau-upuan.

Ilang sandali lang ay nakabili na siya ng pagkain at binigay niya sakin yung tray na isa tapos nagtaka naman ako nang bigla siyang umalis at umupo sa kabilang table.

Gathering PagesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ