Chapter Two

14 0 0
                                    

C H A P T E R T W O

The first page

*knock knock*

Tumahimik bigla ang mga estudyante, anong meron? Haaaay, busy ako no. Nagsusulat kasi ako, kailangan kong tapusin itong chapter 20 na may tatlong parts, kung hindi makakalimutan ko yung mga thoughts ko.

“Oh my god…s-siya yun!”

“Ang gwapo niya talaga!”

“Classmate kaya natin siya?”

Narinig kong yung mga bulong-bulungan sa klase, pero binaliwala ko lang ito at nagpatuloy pa rin sa pagsusulat.

“Hi! I am Kithe(kit)  Evangelista, your new music teacher.” Hala?hindi ako informed! May bago pala kaming music teacher. Pero sulat pa rin ako ng sulat, baka makalimutan ko kasi bigla yung weird thoughts ko.

Pero bakit palakas nang palakas yung boses.

“may I interrupt you for a while, Ms. Steele?”  hala? Bakit ganun yung boses? Parang pamilyar…at bakit kilala niya ako? Kilala niyo si Migz Haleco? Idol ko yun sa soundcloud. Just saying. Yun ganun yung boses niya na may halong Ed Sheeran.Lol.

Dahan dahan akong tumingin at nagulantang bigla ang mundo ko dahil ang lapit pala ng mukha niya sakin. Yung konting maling galaw ko lang ay pwede nang magkadikit ang mga labi namin.

O_____________________________O

*dug dug*

Uwaaaa! Yung tunog nanaman ng kaldero!!!!!!

“L-lamang lupa?”  nau-utal kong sabi tapos nabitawan ko yung ballpen ko.

“Hi!” bati niya sakin habang nakangiti nang sobra

 “A-ang panget mo! Wag ka ngang ngumiti! P-para kang si Mcdo!” sabi ko sakanya

Nginitian niya lang ako at pinulot yung ballpen tapos ibinigay niya sakin at naglakad na siya papunta sa white board. Tss, feeling naman niya kikiligin din ang bilbil ko katulad ng mga kaklase ko.

Pero, what the heck?!

Kinuha ko agad yung ballpen ko at ibinato sakanya. Napakamot naman siya sa ulo niya at humarap sa akin. Hahaha! Hindi nanaman maipinta yung itsura niya tapos nag-smirk nanaman siya. Abnormal talaga, kalahi niya ata si budoy. Siya lang yung natatanging nilalang na binato ko sa ulo tapos nagawa pang ngumiti.

“Tch. Teacher pala kita…hindi mo man lang sinabi sakin.Pinakyuhan tuloy kita” Sigaw ko sakanya tapos isinara ko yung diary ko na sinusulatan ko ng story. Kasi naman, pareho ang uniform ng teachers at students dito. >3<

“Why? Ganun na ba talaga ako ka-gwapo para hindi magmukhang isang teacher?” sarcastic na sabi nito. Haaaay. Ayan, lumabas na ang kahanginan niya. Yung mga classmates ko naman nagsitilian, pati bakla naki-sali na rin.

“Ewan sa’yo!Ang yabang mong lamang lupa ka.” Haay. Nag-iinit ang ulo ko. Tapos ngumiti nanaman siya. Ano bang meron sa bunganga niya, haha. Bunganga talaga eh. Kainis, ngiti nang ngiti.

“So, I’ve been preparing a song these past few days for you. Ipaparinig ko na lang sainyo mamaya, dahil kailangan niyo ng guide because you will also compose a song accompanied by guitar at yung mapipili ng School Director ay magpe-perform sa School Fest.” Page-explain niya. Then after that, tinuro niya yung mga guitar chords, pati na rin yung mga parts. Somehow, naiintindihan ko pa rin siya pero naiinis ako kapag ngumingiti siya. At himala, hindi boring ang music ngayon. Pero na-umay pa din ako kaya nag-drawing na lang ako.

Gathering PagesWhere stories live. Discover now