Chapter One

21 0 0
                                    

C H A P T E R O N E

I am Steele

*dug dug*

It was like hell living like this everyday.

Yung tipong may iba siyang gusto at bestfriend lang ang turing niya sakin…ang sakit!

.

.

.

.

.

.

.

Lol ulit. Hindi naman ako ganung tipo ng tao no. Ako ay si Fatima Steele. At tulad ng steel, matigas ako, hindi agad ako sumusuko at umuurong, straightforward din ako. Kaya may haters din ako… yes, sikat ako sa school. Haters gonna hate and I love haters pero walang nagtatangkang kalabanin ako. I do care for what I say but not for what you understand, kay?

So, as I was saying… hell yung turing ko sa buhay kasi araw araw kailangan kong gumising nang maaga at yung paraan pa ng pang-gigising sayo ay tunog ng pinupukpok na takip ng kaldero. Ha-ha-ha! How nice, diba?

“Aish! Ano baaaaa!” nambubulabog nanaman yung magaling kong kuya.Kaya nagtakip ako ng unan sa mukha ko pero patuloy pa rin siya sa paghampas sa mga takip ng kaldero. “Aaaaah! Ano ba palikpik?! Thirty minutes more!” sigaw ko habang nakatakip pa rin. Aba! Kung sa iba five minutes lang sa akin thirthy minutes na. Demanding at straightforward yata ako!

“Timmy! Gising na! male-late na tayo! Wooooh!” mas lalong lumapit pa si palikpik habang tuwang-tuwang ginigising ako.

Bumangon na ako tapos ngumuso sa sobrang asar natatawa-tawa pa yung palikpik kong kapatid. “Kainis ka naman eh! Thirty minutes na nga lang hinihingi ko sa’yo hindi mo pa ako mapagbigyan.”dire-diretso kong salita tapos tumayo ako at naghikab with matching unat.  “At pwede ba kuya, maawa ka sa takip ng kaldero wag mong igaya sayong palikpik ka!” medyo natatawa kong sabi tapos sabay takbo pababa kasi hinabol ako ni kuya.

Siya si Finn Steele. Oh, gets niyo na siguro kung bakit palikpik tawag ko sakanya?Ang bait kong kapatid noh?  Pareho kaming pumapasok sa Julliard University. Senior  year na ako ngayon sa post-secondary level, samantalang si kuya ay graduating na sa college. Oo may college din dun kaya bantay sarado ako sakanya kasi nasa Europe ang parents namin para asikasuhin yung business namin dun.Huhuhu! Where’s freedom in the Philippines?

Kumain na ako at naligo syempre nagbihis din tapos sabay kaming  pumasok ng school. As always, habang naglalakad kami, ang Steele siblings,kami, ay pinagtitinginan nanaman. Lol. What’s new?

Nag-separate ways na kami ni kuya kasi sa ibang building yung room niya kaya mag-isa na lang akong naglalakad pero pinagtitinginan pa rin ako. Haha! Nag-chin up ako at naglakad with confidence nang biglang napansin kong hindi pala sila nakatingin sakin kundi sa likod ko. Sheeet. Confidence…where art thou?

Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad habang nakatingin sa likod gamit ng corners ng mga mata ko. Ano bang meron?

Narinig kong nagbubulungan yung mga estudyanteng babae.

“Bagong student? Ang cute niya.”

“Anong section kaya siya? Sana maging classmate ko siya!”

“Oh my gosh! Girls! He’s so gwapo like oh my I will make himatay na!”

“Grabe! Ang hot niya!”

Duh? Binabalewala na nila ang beauty ko?! Kailangang ibalik ang pride ko! Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kung sino mang lamang lupa yung sinasabi nila.

Gathering PagesWhere stories live. Discover now