Chapter Three

6 0 0
                                    

C H A P T E R T H R E E

'Kim'

“Ima, Can we talk for a sec.?

“Osige, for a sec. lang. Timer starts now...one. Okay tapos na yung ‘for a sec. mo’. You can go.” dire-diretso kong sabi then naglakad na ako pero bigla niyang akong hinawakan sa braso

“Purjospursanto, bitiwan mo nga ako!” sigaw ko sakanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan yung hawak niya sakin

“Ima, mag-usap naman tayo oh..Please?” nagmamakaawa niya sabi habang nakahawak pa rin siya sa braso ko. Ramdam ko ding mas humihigpit yung hawak niya. I will not fall into that trap again. Hindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga. Bakal,oo.

“We don’t have anything to talk about and don’t call me ‘Ima’ ” paglilinaw ko sakanya. Pinipilit ko ring kumalas sa madiin niyang hawak pero ayaw talaga. Ang sakit kaya, parang iniipit yung dugo ko. Naiinis na ako ha.

“Ima...” ang kulit niya rin eh. “I love you and I regret all the things I have done to you and I’m very sorry, sorry.” sabi niya tapos medyo mangiyak-iyak na siya tapos mas mahigpit pa sa mahigpit ang hawak niya kaya hindi ko na nakayanan at tumaas na ang temperature ng pagka-gangster ko.

“I love you-hin mo mukha mo!” sigaw ko sakanya and with a little effort....konti lang, sinapak ko na talaga siya. Napabitaw siya at napahiga tapos nakita kong dumudugo yung ilong niya. Haha. Damn you. Buti nga sayo. Naglakad na ako palayo sakanya.

Pero sa totoo lang, gusto kong maniwala sa kasinungalingan na mahal niya ako at pinagsisisihan niya lahat ng nagawa niya sakin. Pero gusto ko lang naman yun at hinding-hindi ko gagawin yun. Duh? Ayoko ngang magmukhang kabit.

Siya si Drake Garcia. He’s  my first crush, first love, first boyfriend, first heartbreak. Duh? Masokista ako dati, oo inaamin ko yun pero hindi na ngayon. Lampang gulay ako dati pero ngayon hindi na. Dahil sakanya, naging ganap na bakal ang isang Steele.

Haaay, ayoko nang mag-reminisce pa. Sayang lang ang brain cells ko.

“I thought you will be needing help.” napabalikwas ako nang marinig ko nanaman ang pinaghalong boses ni Migz Haleco at Ed Sheeran.

Humarap ako sakanya at nakita ko siyang naglalakad habang hila-hila ang kanyang bike at pasan ang gitara niya. Tumaas agad ang kaliwang kilay ko. “Are you following me?” sabi ko habang nakapameywang

*dug dug*

Ayan na naman yung tunog ng kalderoooooooooo!

“I’m afraid I’m not. Naflat-an kasi ako eh. And by the way, sorry is not good enough...”  sabi niya and nagtataka lang ako kasi kanina niya pa yun sinasabi. paulit-ulit. sirang-plaka?

“Huh? Linawin mo nga. Uupakan kita eh.” sabi ko sakanya then ngumiti nanaman siya na parang si Mcdo.

“Well, that’s gonna be your assignment for tomorrow Amazonang bakal.” sabi niya then napatawa naman siya. What did he just call me? Is he giving me pet names?!?! Pero bago ko pa man siya masapak ay dali dali na siyang tumawid palayo. and tumigil pa talaga siya sa kabilang lane and kumaway sakin na medyo natatawa-tawa

“ANONG SABI MO?!?! AMAZONANG BAKAL?! HUMANDA KA SAKIN BUKAS!” sigaw ko sakanya then nagpapadyak ako dun sa inis. may mga taong tumitingin sakin at baka iniisip nilang nababaliw na ako.

“Tinitingin-tingin niyo dyan?!” pagtataray ko sa mga nakatingin sakin then naglakad na ako palayo. Pero somehow, nakalimutan ko bigla yung Ex-issue ko. pero humanda talaga sakin yun lamang lupa na yun bukas.

Gathering PagesWhere stories live. Discover now