Chapter 5: Viex Zaffre

Magsimula sa umpisa
                                    

Napailing ako. Dapat si Nijel at Mish ang magkasama eh. "Mishiena." tawag ko kay Mishie. 

"H-huh?" naiilang na tanong niya. Ni hindi siya makatingin ng diretso samin. Naningkit naman ang mata ko nang dahil sa kinikilos niya. Though namumula pa rin siya. Pero parang may iba pa akong nasesense.

"You sure, you're okay here?" tanong ko nalang sa kanya.

"Oo naman." she answered and smiled. Tumango naman ako at saka lumabas. Sumunod naman sa'kin yung Syn samantalang si Nijel ay nandoon pa rin.

"Ikaw lang mag-isa rito?" tanong niya kay Mishie. Tumango naman sa kanya si Mish habang hindi niya pa rin mapigilan ang magblush. Mishiena Brent. Masyado kang halata. Napangiti naman ako sa sunod na sinabi ni Nijel.

"Samahan na kita. Gusto mo?" tanong pa nito.

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Mishie. Mukhang napansin rin naman iyon ni Syn kaya napatingin siya sakin. We both smiled meaningfully.

"Huh? H--" tatanggi palang si Mishie ay sumingit na ako sa usapan.

"Guys." napatingin silang dalawa sa'kin. I looked at Nijel. "Takot si Mishie sa multo. And we both know na may something sa office na to. So just stay with her if that's okay with you?" seryoso kong sabi sa kanya. Though wala naman talagang multo dito. At alam rin iyon ni Nijel. Mukha namang nagets ni Nijel ang gusto kong iparating kaya tumango nalang siya at inilagay ang mga gamit niya sa table niya.

"Bye guys." pagpapaalam ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Napatingin ako ulit kay Mishie na nakanganga at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.

Lumabas na kami ulit ni Syn at isinara ang pinto. She smirked. "Ghost huh? Since when did you learn to lie?" pang aasar niya at saka tumawa.

"Just this moment." natawa rin ako at saka naglakad papunta sa dorm.

Medyo malayo rin ang dorm namin sa High School building pero nasa loob lang rin naman ito ng Finelry kaya safe naman.

I sighed. "Such a long day." I whispered habang naglalakad kami ni Syn. Tahimik lang siya. I wonder kung anong iniisip niya.

Naalala ko ang mga napag-usapan namin kanina. Did I lie again? Ilang beses ba akong nagsinungaling ngayong araw?

"Yeah. Long day." narinig kong sabi ni Syn.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon