Chapter 5: Viex Zaffre

Bắt đầu từ đầu
                                    

  

“Huh?” Napatingin ako sa pinto nang biglang pumasok si Mish. “What’s with the atmosphere, bestfriends?” nagtataka siyang nakatingin samin habang papalapit sa table niya.

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya atsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. I know Syn’s just concerned. Pero may mga bagay na hindi nalang dapat sinasabi sa kanya, dahil alam ko ang kaya niyang gawin. Ayokong may awayin na naman siya nang dahil sa’kin.

--

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pintuan ng office namin. 7pm na pala.

Inayos ko ang mga gamit ko pati na rin ang mga files na nagkalat sa table ko at saka tumayo.

“Tara na.” aya ko kay Mishie at  Syn na busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Tumayo naman si Syn at nag-ayos ng gamit. Alam ko namang inaantay lang ako nito para may kasama siyang umuwi sa dorm.

"Ikaw, Mish?" tanong ko kay Mishie na nakaupo pa rin sa table niya. Saglit siyang tumingin sa'min at ngumiti ng alanganin.

"Una na kayo. May gagawin pa ako e." napangiwi siya samin at saka pinagpatuloy ang kung anumang ginagawa niya. We nodded in response.

Hindi rin naman namin kasama si Mish sa dorm. Dalawang student lang kasi by dorm dito sa Finelry. Good thing na rin dahil hindi namin kailangang magsiksikan sa isang dorm. Though magkatapat lang naman ang dorm namin nila Mishie.

"Alright. Umuwi ka ng maaga ah." sabi ko sa kanya. Sa dorm ko nalang kasi gagawin ang mga kailangan ko pang gawin hanggang sa antukin ako.

Tumango naman siya kahit hindi siya nakatingin samin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa itong bumukas at bumungad samin ang mukha ni Nijel.

"Oh? What are you still doing here?" tanong ko agad sa kanya. Akala ko kasi umuwi na siya sa dorm niya. Kanina pa rin siya hindi nagpapakita samin mula nang ipinatawag siya ni Master A. Ngumiti naman siya sakin.

"Just checking if you're still here." he stated at saka pumasok sa office at naglakad papunta sa table niya at saka inayos ang mga gamit niya. Uuwi na rin ata siya sa dorm niya?

"Wala ka nang gagawin?" sabi ko at napatingin kay Mishie na nakayuko lang habang may isinusulat.

"Meron pa. Sa dorm nalang ako gagawa. Let's go?" aya niya samin ni Syn. Nakatingin pa rin ako kay Mish na hindi tumitingin sa'min.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ