Chapter 5: Viex Zaffre

Magsimula sa umpisa
                                    

“Baka hindi pa siya sanay. Don’t judge her, Syn. Malay mo, mabait rin naman pala siya.” I defended Roanna at saka ipinagpatuloy ulit ang ginagawa ko.

“Mabait? Mabait ba ‘yong itulak ka niya sa unang pagkikita niyo palang?” naiiritang sabi niya naman. Narinig niya siguro ang tungkol sa bagay na yan sa mga babaeng nagkwekwentuhan sa cafeteria kanina. Syn’s always like that. Lalo na kapag ayaw niya sa tao. Gagawin niya ang lahat para lang sabihing tama siya. Na tama ang iniisip niya sa taong iyon, na kinaiinisan niya. Kaya nga kaming dalawa lang ni Mish ang kaibigan niya rito. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya pero ayaw niya. May trust issues kasi ang isang ito e. Ewan ko kung saan niya nakuha ang ugaling iyon. Pero mabait naman si Syn. Hindi mo lang siya maiintindihan kapag hindi mo siya talagang kilala. Itinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kanya ng diretso.

“Maybe she just mis-interp—” She cuts me in mid-sentence.

“At ang tignan ka lang habang hindi ka makatayo dahil sa kagagawan niya? I think that’s not mis-interpretation, Zeira. She hates you.” Diretsong sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman iyon?

“What are you saying, Syndrie?” I asked, seriously. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nangyaring iyon kanina. Hindi ko rin alam kung ano’ng magiging reaksyon ko dahil sa mga sinabi niya. Alam ko namang galit sa’kin ang magkapatid na iyon. Hindi ko lang alam kung saan nila hinuhugot ang galit nila para sa’kin. Lalo na si Roanna.

“I saw what happened earlier. Nakita ko kung paano ka lang niya tinignan habang nahihirapan kang tumayo. Narinig ko rin ang sinabi niyang siya ang may gawa non sayo. Pupuntahan sana kita pero biglang dumating yung Viex. Now, what really happened to your foot? Nakita ko ang mukha mo kanina. You’re in pain. Hindi lang iyon basta sprain—” pinutol ko ang mga sinasabi niya.

“You’re just concluding things, Syn. Hindi mo nakita ang buong pangyayari so don’t conclude. Isa pa, she was just kidding when she said that. Nadapa lang ako dahil sa pagmamadali kong maglakad. She did nothing.” I tried to explain. Bigla kong naalala kung bakit ako nagmamadali kanina. Kasi gusto kong maabutan si Viex. Kahit ayaw niya sakin at sinabihan niya akong mag-get lost, isinaalang alang ko pa rin ang posisyon ko at ang task na binigay sa’kin ni Master A. Pero nakakapagtaka lang dahil bigla nalang siyang sumulpot sa likod ko. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapunta sa likod ko samantalang siya ang hinahabol ko. May super powers ba siya kaya ganoon?

Tinry kong alisin ang bagay na iyon sa utak ko. Super powers? You’re crazy, Zeira! Paano naman siya magkakaroon ng super powers? Tsk. Dapat na ata akong matulog. Dala lang ito ng puyat.

“Whatever, Zy. Nakakairita talaga ang pagiging mabait mo.” Sabi niya at saka umirap.

  

I smiled. “That’s not being kind. I just don’t want to conclude things, Syn. That’s being matured.”

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon