Chp.8

243 3 1
                                    

×Aubrey Johnson's P.O.V×

"Nasa kamay ng Hawk Eye si Nathan."

Napatigil ako ng saglit sa narinig ko kay Victoria. Bakit kailangan pang si Nathan ang sisira sa plano ko?!

Napasinghap ako at tinignan sila nang matalim. Ayokong magpakitang mahina ako kahit kunin man nila si Tanda o kung sino man. Hindi ako magpapatinag sa plano ko.

"Hmm. Okay." nagulat ang mga tao sa paligid para bang hindi nila akala ito ang magiging reaksyon ko.

Bigla ako tumayo at nagsimulang maglakad. Parang hindi pa silang nasanay na may nawawalang miyembro sa organisasyon dito. Napatigil muna ako saglit para tignan ang mga taong nasa likod ko.

"Meeting Dismissed." at nagsimula nang maglakad.

"Miss A. P-paano si Nathan? Alam kong hindi naman ito nakakapanibagong pakinggan pero Hawk Eye ang pinag-uusapan natin ngayon." Narinig kong iyak ni Victoria mula sa loob ng kwarto.

Ako'y napangisi sa kanya ngunit pinapatuloy ko pa rin ang palakad kahit ano pang iyak ni Victoria.Alam kong mahalaga si Nathan kay Victoria. Siya lang naman ang tao nagturo sa kanya kung saan bibigyang hustisya ang kanyang magulang. Pinakarason kung bakit naparito sa madugo at delikadong organisasyon napunta siya.

Binuksan ng personal driver ko ang pintuan at pumasok ako sa loob ng kotse.

"Where to, maam?"

"Hell." tumango naman siya dahil alam niya naman kung saan siya patungo. Sa bahay ni Tanda.

×Skyler Young's P.O.V×

[Ano nanaman ginawa mo pre?!]

Nilayo ko agad ang aking selpon mula sa tenga ko at napakamot na lang ako sa batok nang marinig ang pagsigaw ni bespren. nak ng teteng, init agad ng ulo nito, minsan lodi ko si Cloud, paano niya kaya nalaman yun? haays dakilang stalker ko talaga siya.

"Pre, Oo ang ganda ng gabi ngayon noh? Tengene sakit sa tenga ah."

[Hindi ka pa nga nakakaisang taon sa kompanya, suspended agad nakuha mo?! Usong tumino muna pre! Buhay mo ang pinag-uusapan rito!!!]

Napasimangot ako sa mga pinagsasabi niya, nyeta yan may instant mudra na ako.Napahikab ako at tinakpan ko agad ang bibig ko nang may papalapit na babae sa akin. Ngumiti ako at umayos nang upo.

[Hoy! Nakikinig ka ba?!]

Nilayo ko muna ang selpon ko at pinatay nang palihim at nilagay sa bulsa.Sorry pre, pero ang ganda ng waitress eh. Isang bigay na biyaya ito para sa akin. Hakhakhak.

"Good Evening Sir, ano po ang order niyo?" ngiti niya habang inaabot ang menu sa akin na aking tinaggap nang nakangiting nakatingin sa kanya.

Kinuha ko yun at tinignan siya, "Uhm, Ano ang best selling na coffee mairerecommend mo dito?"

Tinignan niya yung menu tapos tinuro niya sa akin nang may ngiti, "Madalas pong mabenta po ay ang Americano pero ang best na recommend po talaga ang Black Coffee sa amin."

"Sige, 1 order ng Black Coffee at ikaw."

Sinusulat niya ang order na mapahinto siya sa narinig niya, "S-sir?" Bigla niyang tanong habang namumula ang kanyang pisngi. Halos humahalakhak na ako sa loob ng makita ko ito.

"Sabi ko, 1 order ng Black Coffee at ikaw, anong masarap na cake rito?" ngisi ko para bang niloloko siya na ikinalungkot niyang marinig sa bibig ko.

"Yung blackberry choco cake po sir." Tumango ako at yun na lang din inorder ko.

Matapos niyang kunin ang order ko, paalis lang siya nang bigla ko ulit siyang tinawag na kanya ring nilingunan ako.

Dating the Mafia Boss (Aimilios Series #1)Where stories live. Discover now