Chapter 21: AWARENESS

Start from the beginning
                                    

Sa isang kumpas lamang ni Mariang Makiling ay tatlong malalakas na buhawi ang sabay-sabay na bumaba sa mapunong bahagi ng kagubatan at inililipad ng mga ito ang bawat madaanan.

Sinamantala naman iyon ni Mariang Makiling para gumawa ng Pilunlualan para tumakas at makabalik sa kanyang kagubatan sa bundok Makiling ng Laguna.

Umusal si Mariang Makiling sa isang matandang puno ng Narra para sa ginagawa niyang lagusan papunta sa unang dimensiyon ng mundo. Unti-unti ay lumagutok ang katawan ng puno at unti-unting nabibiyak ang pinakagitnang bahagi nito. Paglitaw ng lagusan ay patakbong pumasok ang diwata para itakas ang sanggol na si Odessa.

Dahil sa mapunong kagubatan ay mabilis na humina at unti-unting nalusaw ang mga buhawi na pumipigil sa mga sundalo ni haring Khalil. Kitang-kita nila ang pagpasok ni Diwatang Makiling sa ginawa nitong lagusan.

Isang palaso ang pinakawalan ng isa sa mga sundalo ng hari habang unti-unting nagsasara na ang Pilunlualan sa puno ng Narra. Mabilis na nagsara ang lagusan pero nakapasok pa rin ang palaso sa loob nito. Dumaplis ang palaso sa kanang braso ni Mariang Makiling at lumikha iyon ng sugat para maramdaman ng magandang diwata ang sakit.

Napatingin si Mariang Makiling sa kanyang sugat na unti-unti ng dumadaloy ang dugo. Takot ang namayani sa kanyang puso dahil alam niyang may lason ang palasong sumugat sa kanya. Mamamatay siya kapag hindi niya kaagad naialis ang lason na unti-unti ng pumapasok sa kanyang katawan.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now