Chapter 52

235K 9.6K 1.2K
                                    

Chapter 52


Bumaba ako ng kotseng lumuluha, hindi ko na nagawang lumingon dito nang marinig kong nagsisimula na itong tumakbo papalayo sa akin. Ilang eksenang ganito pa ang mararanasan ko?

Ilang beses pa ba akong iiwanan ng mga taong mamahalin ko?

Nakatungo akong naglakad pauwi sa bahay at halos kumulo ang dugo ko nang masagi sa aking mata ang apartment nang lalaking mukhang masaya na sa mga oras na ito. Bakit gustong gusto niya akong makitang lumuluha? Hindi pa ba siya nasiyahan nang iwan niya ako? Nasisigurado kong may sinabi siya kay Bello nang nasa banyo ako!

Pabagsak kong isinarado ang pintuan ng bahay at tumakbo na ako sa kama at dito ako walang humpay na humagulhol. Bakit ako iniwan ni Bello? Bakit hindi niya ako paniwalaang mahal ko siya? Masaya naman kami ng buong isang taon, wala naman kaming problema. Bakit nang bigla lang dumating si Rashid nagkaganito na?

Walang ubos ang luha ko sa buong oras na nakasubsob ako sa kama. Hindi ko na namalayan ang oras. Kahit anong pilit kong gustong matulog hindi ko magawang matulog. Halos sabunutan ko na ang sarili ko at iritado akong tumayo sa kama.

Sinubukan kong sumilip sa labas pero nagsisi ako nang makita ko si Rashid na naglalakad nang hindi diretso at ilang beses pa siyang muntik nang matumba. Muli na namang nabuhay ang lahat ng galit ko sa kanya at nagmadali akong lumabas ng aking kwarto.

Saktong papasok na siya ng kanyang apartment nang marahas ko siyang pinaghahampas sa kanyang likuran.

"Fvck! What the—" agad hinagip ang mga kamay ko para pigilan ako sa walang tigil na paghampas sa kanya. Pansin ko na may hawak siyang bote ng alak. Damn, amoy alak ang gago.

"Aurelia?" kusang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Happy now?! Masaya ka na Rashid na iniwan ako ni Bello?! Masaya ka nang ginulo mo na naman ang buhay ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"What?" ilang beses niyang minasahe ang kanyang noo. Pansin ko na humawak na siya sa pintuan para kumuha ng balanse.

"Nagmamaang maangan ka pa Rashid?! Alam kong may sinabi ka kay Bello! My god! Can't you just leave me alone Rashid?! Masaya na ako! Bakit ka pa dumating?!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya.

"Aurelia, naririnig ka ng mga kapitbahay."

"Now you're worried about our neighbors?! Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa taong nasa paligid mong manloloko ka! Sinungaling ka Rashid! Nangako ka nang nangako sa akin pero wala ka man lang tinupad kahit isa! Tapos ano itong ginagawa mo?! He broke up with me Rashid! Iniwan ako ni Bello dahil sa'yo! Kasalanan mo itong lahat!" halos pagsasampalin ko siya sa sobrang galit ko.

"Shit! Huwag ka ditong magwala sa labas Aurelia. Ginigising mo ang mga kapitbahay natin." Lalong kumulo ang dugo ko nang walang habas akong binuhat ni Rashid papasok ng kanyang apartment at gamit ang paa niya at agad niya itong isinarado.

Pabagsak niya akong ibinaba sa sofa at agad niyang inalagay sa sandalan ang dalawang kamay niya dahilan bakit ako nakakulong sa kanya ngayon.

"Ilang beses kong sinabi sa'yo Aurelia na magpapaliwanag ako."

"For what? Sa tingin mo ba ay kailangan ko ito sa tagal ng dalawang taon Rashid?! Huli na ang lahat! Dahil wala na akong nararamdaman sa'yo! Galit na galit ako sa'yo Rashid! Gusto kitang paulit ulit na saktan katulad ng ginagawa mo sa akin!" ilang beses kong pinaghahampas ang dibdib niya habang walang tigil sa pagluha.

"Masaya na ako kay Bello, Rashid. Hindi ito kumikirot kapag kasama ko siya, walang sakit. Hindi ako nahihirapan pero ikaw, wala ka nang ginawa kundi hiwain ang puso ko nang paulit ulit Rashid. He broke up with me! He broke up with me because of you!" Wala pa rin akong tigil sa paghampas sa kanya.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now