Chapter 31

258K 10.8K 3.7K
                                    

Chapter 31


Hindi lingid sa kaalaman ni Belo noong naging kami ni Rashid. Si Rashid pa mismo ang kumatok sa apartment nito para sabihin sa kanya na huwag nang magpapansin sa akin dahil siya na ang opisyal kong 'baby' ko at pangalawa na daw si Anastacio.

Muntik pa silang mag away at magkasuntukan kung hindi sila inawat ng mga tambay. Napahagulhol na naman ako ng iyak nang maalala ko ang eksenang ito. Bakit niya kinuha ang loob ko? Bakit niya pa siya nagpakasweet sa akin kung iiwan niya ako dito na wala man lang kahit anong dahilan ng kanyang pagkawala?

He's so unfair.


Tumigil na ang ulan, sinabi ko kay Belo na iwanan niya na lamang ako at gusto kong mapag isa pero nagmatigas siya. Nanatili siya sa tabi ko, tahimik at hindi nagsasalita habang iyak ako nang iyak.

We're in children's park and we're both sitting on the swing. May nakabalot sa akin puting towel na binili pa ni Belo sa nadaanan namin convenience store. Bakit hindi na lang niya ako iwan? Masyado ko na siyang naabala.


"Belo, you can go.." ilang beses na ulit ko.


"I'll stay Aurelia, hindi ba at magkapitbahay tayo? Sabay na tayong umuwi, hindi kita iiwan mag isa dito. It's getting dark.." matigas na sagot niya sa akin.

Wala pa akong balak umuwi, tuwing uuwi na lang ako sa bahay ay umiiyak ako. Nahihiya na ako sa litrato ni tatay at nanay na lagi kong kinakausap.


"Nakakainis, naiinis ako.." mahinang sabi ko.


"It's been what? Ilang buwan na ba nawawala ang boyfriend mong hilaw?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya.


"You shouldn't have trusted him.." muli kong hindi nakasagot kay Belo. May parte sa puso gusto nang sumang ayon sa kanya. Hindi ako magkakaganito kung may natatanggap akong mensahe sa kanya pero kahit isa wala.


"Baka nakahanap na siya ng iba Belo, baka marami na siyang nakilalang mas magandang nurse, matangkad, makinis, sexy at mayaman na hindi katulad ko.." napakagat labi na lang ako sa mga sinasabi ko.


"Aurelia.." hindi ko nililingon si Belo pero alam kong nakatitig na siya sa akin.


"Bakit hindi man lang siya mag iwan ng kahit isang message? Talaga ba na mahirap gawin ito sa inyong mga lalaki? Nakakalimot ba kayo kapag nalalayo kayo sa mga babae? O nagkakaamnesia na lang kayo kapag nakakita kayo ng mas maganda?" kung ano ano na ang nasasabi ko.


"Gago siya kapag ipinagpalit ka niya Aurelia. No, binabawi ko. Gago na talaga siya! He can't just leave you like this.." napansin ko na napasipa na siya sa buhangin bago siya tumayo at lumapit sa akin.

Bahagya akong nakatungo, ayoko nang makita niya akong umiiyak. Ayokong isipin niya na ginagamit ko siya sa mga oras na ito.

Naramdaman ko na lamang na bahagya siyang umupo sa harap ko para magtama ang mga mata namin.


"Tahan na Aurelia. Ayokong makita umiiyak ang pinakamagandang nurse na nakilala ko. Tahan na.." siya mismo ang nagpunas ng mga luha sa pisngi ko.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon