Chapter 22

306K 13.5K 1.9K
                                    

Chapter 22


Tulad nang gustong mangyari ni Cinderello, kasama ko siya ngayon sa supermarket. At tuwang tuwa na naman siya dito, sa katunayan ay wala siyang tigil sa pagsipol hanggang sa pagkuha namin ng basket. Siya na ang pinagbitbit ko nito nang magpumilit siya kaysa naman pagtalunan pa namin, ako lang ang sasakit ang ulo.

Baka sabihin niya na naman 'niaaway' ko na naman siya at humaba na naman ang nguso niya na parang batang hindi nabigyan ng candy. Buti sana kung maiinis na lang ako sa ginawa niyang ito. But how? Paano ako maiinis sa kanya? Cinderello is too cute to ignore, he's damn adorable para hindi pagbigyan sa kanyang gusto.

Oh god, he's not using his aggressive skills but this damn cuteness acts. Sinong babae ang hindi mahihirapang tumanggi sa kanya? Shit.


Hindi ko akalaing mabibigyan ako ng pagkakataon sa aking buhay na makakilala ng lalaking laging 'ni aapi' at 'ni aaway'

Isama pa na laging nawawalan ng sapatos, mahilig sa yakult at laging kaaway ng mga bata. Kung tutuusin sa tuwing kasama ko si Rashid para akong may kasamang 'madamdaming batang paslit' na hindi pwedeng laging ni aaway.

Napairap na lang ako nang hulihin niya ang kamay ko habang bitbit niya sa kabilang kamay niya ang basket. Pilit ko man tanggalin ang kamay ko sa kanya ay hindi niya ito bitawan.


"Seriously Rashid? Holding hands? Nasaan ka nasa luneta?" narinig ko lang naman siyang tumawa sa sinabi ko.


"What the—" natatawang sabi niya na napapailing sa akin.


"You're funny Aurelia, sa luneta lang ba pwedeng hawakan ang kamay mo?" ngising tanong niya sa akin.


"Ewan ko sa'yo Rashid.." inirapan ko na lang siya at nagsimula na akong maglakad na nauuna sa kanya kahit mahigpit niya pa rin hawak ang kamay ko. Oh my god, he's too impossible! Pati ba naman dito sa supermarket?


"Baby wait.." nagulat na lang ako nang naramdaman ko na lang ang isang braso niyang nakapulupot sa bewang ko.


"Oh my god! Rashid!" baka may makakita sa amin. Agad akong inilibot ang paningin ko, malaki ang pasasalamat ko at walang tao sa section na ito. But what about the CCTV camera?


"Rashid, ano bang ginagawa mo?" pilit kong inaalis ang braso niya sa akin. At halos manlaki ang mata ko nang ilalapit na niya ang mukha niya sa akin. Agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Can't he stop for now? My god! We're in public place. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa amin dalawa?

Tumagal siguro ng ilang segundo akong nakapikit habang pilit kong iniiwas ang aking mukha sa kanya. Nang wala naman akong nararamdaman mabilis ko nang iminulat ang aking mga mata. Hindi na nakapulupot ang braso niya sa akin pero hawak na naman niya ang kamay ko.


"What was that all about Rashid?! Papaano kung may makakita sa atin?!" iritadong sabi ko.


"Akala ko kasi napuwing ka Aurelia.." kibit balikat na sabi niya na may kasama pang pagkagat sa kanyang pang ibabang labi.

Nagpanganga na lang ako sa isinagot niya sa akin. What the hell? Bakit ako mapupuwing? Wala namang hangin at alikabok dito, bakit ako mapupuwing?! Saan niya nakuha ang sagot niyang ito? Oh my god, enough na Cinderello.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon