Chapter 39

264K 9.8K 2.4K
                                    

Chapter 39


This might be the flirtiest day of my entire life. I never expected that a time will come that I'll be doing these silly childish things.

Anong dapat kong asahan? I just fell in love with Rashid, ang lalaking laging niaaway na nag uumapaw sa kalandian. Never in my whole life did I imagine seeing myself flirting endlessly with a guy.

Ilang taon akong ilag sa mga lalaki, walang amor at walang pakialam sa kanila. I have never been attracted to them no matter how handsome, charismatic or even sexy they are.

Oh well, Rashid Amadeus Villegas was an exception. He's a damn pretty sexy boy.


Kasalukuyan kaming kumakain ng inihanda niyang mga pagkain. Tinola at ham, isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. He's a good cook, lamang niya sa mga napapanahong gwapong lalaki ngayon.

I am sitting on his lap while we're eating together in one plate, one spoon and one fork. I am spoon feeding him while he's busy stealing kisses on my face, neck and even on my hair.


"Rashid! Mag aamoy tinola ako na.." ibinaba ko ang hawak kong kutsara nang bahagya niyang kagatin ang tenga ko.


"Hmm, hindi pa naman.." nagtaasan ang mga balahibo ko nang kagatin niya na naman ako.


"Rashid!" hinawakan ko ang tengang kinagat niya.


"Nikagat ko ba ang baby ko? I can't remember.." painosente niyang tanong sa akin. Siya ang humawak ng kutsara at kumuha siya ng pagkain.


"Eat.." kusa kong binuksan ang bibig ko para subuan niya ako. Ngumisi siya habang ngumunguya ako. Akala ko ay kakagatin niya na naman ang tenga ko pero bumulong siya sa akin.


"Mahal na mahal kita Aurelia.." para akong matutunaw sa ibinulong niya. Kung sana lagi na lang kami ganito, hindi siya biglang mawawala at wala siyang mga itinatago sa akin.

Inagaw ko sa kanya ang kutsara at siya naman ang sinubuan ko.


"I love you too.." bulong ko rin sa kanya. Ako na mismo ang lumapit sa mukha niya at pinaglapat ko ang dulo ng ilong namin na siyang lagi niyang ginagawa sa akin. We played our nose until we laugh at each other.

Nagpatuloy kami sa pagkain, sinusubuan ko siya, sinusubuan niya ako. Kung saan saan na nakakarating ang halik niya sa akin at minsan ay napapatili na ako dahil nanggigigil na siya at nakakagat niya ako.


"Rashid! Sinusubuan na kita, bakit ako pa rin ang pinapapak mo?! Niaaway mo ako.." tumawa siya sa sinabi ko.


"Baby, matagal na kitang gustong kagat kagatin nang ganito. Why did you call me 'kuya' that day huh? Pinangako ko sa sarili kong makakakagat ako sa'yo nang tawagin mo akong kuya.. " mapaglaro at malambing niya akong kinakagat kagat sa aking leeg na lalong nagpakiliti sa akin. Humigpit ang mga braso niya sa akin dahilan kaya mas nagagawa niya ang gusto niya.


"Oh my god! Rashid naman, are you a vampire?" inilag ko ang leeg ko sa kanya habang natatawa. Amoy tinola na talaga siguro ako. Damn Cinderello.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon