Kiefer: Von and Ella

Alyssa: LA and Denden

Kiefer: Fonzo and Bettina

Alyssa: Kuya Nicko and Coleen

Kiefer: (tumingin sa parents niya) Pa, Ma, okay lang po ba?

Bong: Si Thirdy pwede, si Dani bawal.

Dani: Hala Kuya, pinamimigay ka na ni Papa!

Everyone: Hahaha...

Kiefer: O Thirds, may blessing ni Papa ah.

Bea: Hindi pa rin pwede, walang blessing ng parents ko!

Alyssa: Sige na Bei. Game lang 'to, katuwaan. Please?

Thirdy: (tumayo) Halika na nga, Hun. Pagbigyan na natin 'yong bagong kasal.

Bea: Pagbigyan...kunyari ka pa, gustong-gusto mo naman.

Everyone: Hahaha...

Nag-umpisa na mag-newspaper dance 'yong mga couples na tinawag nina Kiefer at Alyssa and after an intense and very competitive game, Thirdy and Bea emerged as winners.

Host: Napilitan lang ba talaga kayong sumali? Parang may gameplan kayo eh.

Bea: Competitive kasi masyado (tumuro kay Thirdy) 'to, ayaw magpatalo kahit sa parlor games.

Thirdy: Ako?! Idea mo kaya Hun 'yong strategy natin. (tumaas 'yong kilay ni Bea) Ay hindi, mali pala, ako nga 'yong competitive at gameplan ko 'yong sinunod natin.

Bong: Anak, under ka?

Mozzy: Oo, parang kayo lang ni Kiefer!

Halos sabay na napakamot sa ulo si Kiefer at 'yong Papa niya.

Everyone: Hahaha...

Pagkatapos ng maikling picture taking nina Thirdy at Bea kasama ng bagong kasal, tumuloy na sila dun sa last part ng program, 'yong speeches and messages for and from Kiefer and Alyssa.

Host: Okay, it's now time for the speeches of those very close to the hearts of our newlyweds. Let me first call on the Father of the Bride, the first man in Alyssa's life, Tatay Ruel.

Ruel: Magandang gabi. Sa hindi nakakakilala sa 'kin, ako si Ruel, Tatay ni Alyssa. Bago ang lahat, gusto namin ng asawa kong si Lita, at ni Bong at Mozzy, na magpasalamat sa inyo sa paglalaan ng oras para dumalo dito sa kasal ni Ineng at ni Kiefer.

Pagkatapos pasalamatan 'yong mga bisita, huminga ng malalim 'yong Tatay ni Alyssa at ngumiti sa mga bisita.

Ruel: Gusto kong umpisahan 'tong speech ko na 'to sa isang maikling kwento, sana pagbigyan niyo 'ko.

Host: Sige lang po, 'Tay. Ibuko niyo po sina Kiefer at Alyssa, makikinig kami.

Everyone: Hahaha...

Hindi napigilan ng Tatay ni Alyssa na makitawa sa mga bisita when he saw her and Kiefer with slightly nervous expressions on their faces. He cleared his throat and started with his short anecdote.

Ruel: Nung magkaibigan palang si Ineng at si Kiefer, may naging pag-uusap kami ni Lita. Sabi ko sa kanya, may iba 'kong nakikita sa relasyon nilang dalawa, na parang hindi sila matatapos sa pagiging magkaibigan lang. Iba kasi 'yong mga tinginan at 'yong pagtrato nila sa isa't-isa, alam mong espesyal.

Alyssa: 'Tay, hindi kaya. Imbento naman po kayo eh.

Ruel: Naku, kung nakita mo lang sana 'yong sarili mo nung mga panahon na 'yon, sasang-ayon ka rin sa sinabi ko sa Nanay mo.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα