Chapter 1

5.5K 164 21
                                    

*phone ringing*

Alyssa: Hello?

Kiefer: Hi Babe, good morning!

Napangiti si Alyssa nung marinig niya 'yong boses ni Kiefer. A quick chat was the perfect thing to calm her down and take her mind off of what she's planning to do. Umupo muna siya at tumigil sa paghahanda ng breakfast.

Alyssa: Good morning. Anong meron, bakit ang ganda ata ng gising natin?

Kiefer: Wala. Masaya lang ako kasi susunduin na kita mamaya. Miss na miss na kita eh.

Alyssa: Nami-miss na rin kita. (after a few seconds) Hay...

Kiefer: Ang lalim naman ng buntong hininga na 'yon. Para saan 'yon?

Alyssa: Babe, kinakabahan ako sa sasabihin nina Tatay.

Kiefer: Sigurado ka bang kakausapin mo sila mag-isa? Hintayin mo na lang ako tapos sabay natin silang harapin.

Alyssa: Hindi na, itutuloy ko na 'to. Gusto ko talaga akong kumausap sa kanila.

Kiefer: Sige, bahala ka. Basta kung magbago 'yong isip mo, just let me know.

Alyssa: I will. Wish me luck.

Kiefer: Good luck, kaya mo 'yan!

Alyssa: Thanks!

Kiefer: Text mo 'ko kung anong reaction nina Tatay at Nanay, ha? Para ma-prepare ko 'yong sarili ko.

Alyssa: Tatay at Nanay ka diyan?!

Kiefer: Bakit? Malapit na naman, diba?

Alyssa: Wag ka ngang assuming. Hindi pa natin nakukuha 'yong blessing ng magulang ko. Paano kung hindi nila ibigay?

Kiefer: Kung hindi man sila pumayag na magpakasal tayo, ako ng bahala gumawa ng paraan. I'll beg if I have to. Ngayon pa ba 'ko susuko eh napa-oo na kita?

Kinilig si Alyssa sa sinabi ni Kiefer pero pinilit niyang itago kasi biglang pumasok 'yong mga Kuya niya sa kusina.

Nicko: Ang aga-aga lambingan agad!

Alyssa: (ngumisi kay Kuya Nicko) Inggit ka Kuya? Gusto mo i-text ko para tawagan ka?

Kiefer: Pakisabi sa kanila Ly, good morning!

Alyssa: Mga Kuya, good morning daw sabi ni Kiefer.

Paulo and Nicko: Good morning din!

Alyssa: Good morning din daw. (tumayo) Uy Kief, ba-bye na. Gising na sina Kuya, hindi pa 'ko tapos mag-ayos ng breakfast.

Kiefer: Okay. Nga pala, may gusto ka bang ipadala? Merienda or something? I'll be there around 2.

Alyssa: Di na. Ang daming niluto ni Nanay kahapon nung nalaman niyang susunduin mo 'ko.

Kiefer: Hahaha...si Tita talaga, masyado 'kong pinapataba.

Alyssa: Hindi ka kasi marunong humindi sa mga hinahain niya sa 'yo. Ayan tuloy, wiling-wili si Nanay na ipagluto ka.

Nagkulitan pa sila ng konti bago binaba nina Kiefer at Alyssa 'yong telepono. Bumalik si Alyssa sa ginagawa niya at saktong natapos siya ng pumasok na rin sa kusina sina Kian at 'yong mga magulang niya. After setting the table, the entire family sat down to have breakfast.

Alyssa spent more than a few minutes trying to find a way to bring up the topic of her engagement with Kiefer. Kabadong-kabado siya at hindi niya maintindihan kung bakit. Sa buong relasyon naman kasi nila, hindi sila nagkaroon ng kahit anong problema ni Kiefer sa mga pamilya nila.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon