Chapter 4

3K 114 4
                                    

Alyssa: We're late, sorry.

Nakangiting umupo sina Alyssa at Ella sa tapat ni Denden na kanina pa sila hinihintay dumating for their weekly lunch date.

Denden: Akala ko i-indyanin niyo na 'ko. Ano bang nangyari?

Ella: Ay naku, sisihin mo si Coach. Kung hindi pa tumawag 'yong asawa niya parang wala pang balak tapusin 'yong training namin.

Denden: What's new?! Eversince naman ganun na siya.

Ella: Sabag –

Alyssa: Beshies, pwede bang mamaya na tayo magkwentuhan? Order muna tayo. Nagugutom na 'ko eh.

Denden: Aren't you supposed to be on a diet? Tatlong buwan na lang kasal niyo na, baka hindi ka magkasya sa gown mo niyan.

Alyssa: Grabe ka, bini-burn ko naman lahat ng kinakain ko pagtraining. Tsaka, sabi kaya ni Kiefer hindi ako mataba.

Ella: At kelan pa naging credible critic si Kiefer pagdating sa 'yo? Kahit siguro maging kasing laki ka ng balyena, tingin pa rin nun sa 'yo, sexy.

Alyssa: Hmph! Ewan ko sa inyo. Basta ako o-order na at nagugutom na 'ko.

Tumawag si Alyssa ng waiter para humingi ng menu habang nagtatawanan sina Ella at Denden. Pagkatapos tignan saglit 'yong menu, nag-order na 'yong tatlo at naghintay na ma-serve 'yong pagkain nila.

Denden: Kamusta 'yong wedding preparations niyo? May reception venue na ba kayo?

Alyssa: Yes, thankfully nakapag-book na kami. And naka-schedule na rin 'yong food tasting namin dun sa in-house caterer. Hopefully soon matanggal na namin 'yon totally sa To Do list namin.

Denden: Mabuti naman. So all set na kayo?

Alyssa: Anong all set? Ang dami pa naming suppliers na kelangan i-book. We still need to find a sound system for the reception, a videographer and photographer, tapos souvenirs pa. And that's barely scratching the surface.

Ella: Sound system? Bakit? Wala bang sound system 'yong venue niyo?

Alyssa: Meron.

Ella and Denden: Pero...?

Alyssa: Pero hindi pumasa sa standards ni Thirdy, sabog daw 'yong tunog. Kaya eto, naghahanap kami ng mare-rent na sound system.

Ella: Kelangan pa ba talaga? Baka masyado lang mataas 'yong standards ni Thirdy.

Alyssa: Kung ako lang, okay na 'yong nasa venue, but Kiefer sided with Thirdy. Gusto daw niya 'yong best para sa wedding namin. Pinabayaan ko na para wala ng pagtalunan.

Denden: Besh, ano na palang update dun sa gown namin? May designer na ba o mag-kakanya-kanya kami ng hanap?

Alyssa: Okay na 'yon, don't worry about it. Nakakuha kami ng magandang deal dun sa designer ng wedding gown ko. Inaayos ko pa 'yong meeting natin sa kanya next week, and while I'm waiting for confirmation, i-finalize niyo na 'yong pegs niyo.

Naputol 'yong usapan nina Alyssa, Ella, at Denden nung dumating 'yong waiter dala 'yong mga order nila. They started eating and they've also moved on to other topics of conversation until Alyssa remembered something. Binuksan niya 'yong planner niya and pushed it towards Ella and Denden.

Alyssa: Paki-check naman Beshies kung tama 'yong middle initials niyo tsaka 'yong spelling ng names niyo.

Denden: Mine's correct.

Ella: Sa 'kin din. (binalik kay Alyssa 'yong planner) Para saan 'to Besh?

Alyssa: Sa wedding invitations. Malapit na kasi 'yong deadline namin sa printer eh. (after a few seconds) Ay wait, confirm ko lang din for the guest list, date niyo sa wedding tsaka sa post-wedding sina Von at LA, right?

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon