Chapter 9

2.2K 100 17
                                    

Ella: Besh, anong oras ka susunduin ni Kiefer?

Kakatapos lang ng training nina Alyssa at sila na lang ni Ella ang naiwan sa locker room. Ella just finished dressing up when she noticed Alyssa sitting on a bench, deep in thought. Nagulat pa nga 'to ng bigla siyang kausapin ni Ella.

Alyssa: Ha? Ah...o-on the way na daw si Kiefer, but I guess depende sa traffic. Do you need a ride somewhere?

Ella: Hindi naman. Natanong ko lang kasi usually nagmamadali ka, pero ngayon ang bagal mo na ngang kumilos medyo spaced out ka pa.

Alyssa: Grabe ka sa spaced out. Iniisip ko lang 'yong mga kelangan pa naming ayusin at lakarin ni Kiefer for the wedding.

Ella: Uuuyyy...two weeks na lang magiging Mrs Ravena na siya. Excited ka na ba Besh?

Alyssa: Sakto lang.

Ella: Bakit sakto lang? Hindi ba dapat super excited ka na by now?

Alyssa: Ang haba pa kasi ng To Do list namin kaya hindi ko makuhang ma-excite. Alam mo 'yon, lunod na lunod kami sa dami ng appointments, tsaka 'yong gastos grabe.

Ella: Expected naman 'yong gastos, dalawa kaya 'yong events na inaayos niyo, tapos 'yong post-wedding party niyo pa ang daming bisita.

Alyssa: Ala –

*phone ringing*

Kinuha ni Alyssa 'yong cellphone niya at napangiti 'to ng makita niyang si Kiefer 'yong tumatawag. Tumingin siya kay Ella at natatawang tumango naman ang kaibigan while she answered Kiefer's call.

Alyssa: Hello?

Kiefer: Hi Babe! Okay ka na ba? Nandito na 'ko sa labas.

Alyssa: Yeah, I'm good. Just give a few minutes, magpapaalam lang ako kay Besh.

Kiefer: Take your time. Bye Babe! See you in a few!

Alyssa: See you! Bye!

Tumingin ulit si Alyssa kay Ella, but before she could even open her mouth, Ella was already waving her off.

Ella: Oo na, aalis ka na kasi ayaw mong paghintayin 'yong Prince Charming mo. (hindi kumibo si Alyssa) Bakit hindi ka pa gumagalaw diyan? Sige ka, baka may makitang iba 'yon sa labas.

Alyssa: Hahaha...loka-loka ka talaga, Besh. (tumayo at kinuha 'yong bag niya) Sigurado ka bang hindi ka sasabay?

Ella: Yup, tsaka wala 'ko sa mood maging third wheel noh.

Alyssa: Sige, bahala ka. (bumeso kay Ella) Bye Besh!

Pagkatapos magpalaam kay Ella, lumabas na si Alyssa ng locker room at naglakad papunta sa parking. Sinalubong siya ni Kiefer at pagkalagay nito ng gamit niya sa trunk, he opened the car door for her and helped her in. As soon as Kiefer buckled his seat belt and started driving, Alyssa opened her planner and read out loud their things to do for that day.

Napansin ni Alyssa na nakangiti si Kiefer at parang walang narinig sa mga sinabi niya.

Alyssa: Babe naman, hindi ka nakikinig sa 'kin.

Kiefer: Nakikinig ako sa 'yo ah.

Alyssa: Eh bakit ngingisi-ngisi ka diyan?

Bago sumagot, kinuha muna ni Kiefer 'yong planner ni Alyssa at nilagay 'to sa may dashboard sa harap niya.

Alyssa: Tek –

Kiefer: You don't need your planner today, Babe. Just sit back and relax, sagot kita.

Alyssa: Ha?! Saan tayo pupunta? Babe, ang dami nating importanteng bagay na dapat asikasuhin. In case you forgot, we're getting married in less than two weeks.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon