Chapter 3

3.8K 110 9
                                    

Bong: So...paano ba natin 'to uumpisahan? May dapat ba kaming gawin muna? Pasensya na, first time kasi namin mamanhikan.

Kakatapos lang maglunch ng mga pamilya nina Kiefer at Alyssa at lumipat na sila at ang mga magulang nila sa may sala para umpisahan 'yong mismong pamamanhikan.

Lita: Wag na tayo maging masyadong pormal. Wala naman kaming tutol sa balak ng mga bata, at kung okay din sa inyo 'yong pagpapakasal nila, umpisahan na lang natin sa pag-uusap tungkol sa detalye ng kasal.

Ruel: Tsaka nagka-usap na rin kami ng masinsinan ni Kiefer. Nagkaintindihan na kami. (tumingin kay Kiefer) Diba?

Kiefer: (ngumiti) Opo Tito.

Mozzy: Kung ganun eh di sige, 'yong mismong kasal na 'yong pag-usapan natin. (tumingin kina Kiefer at Alyssa) Ano na bang details 'yong na-finalize niyo? Para we can work from there.

Kiefer: Napagkasunduan po namin ni Ly na sa Tagaytay gawin 'yong wedding. Hindi po masyadong malayo sa Manila and at the same time malapit din po dito sa Batangas.

Alyssa: Napa-reserve na po namin 'yong Chapel on the Hill for 4pm ng December 30. Kaya lang 'yon pong reception venue, namimili pa kami between two places. Hinihintay pa po kasi namin 'yong mga updated quotation bago kami mag-decide.

Mozzy: 'Yon bang mga venue na tinitignan niyo may kasama ng caterer o kelangan niyo pa kumuha sa labas?

Kiefer: Parehas po silang may in-house caterer Ma, but may option pa rin po kami kumuha ng iba kung gusto namin.

Lita: So final na 'yong simbahan, and 'yong reception venue namimili na lang kayo sa dalawang lugar. Kamusta 'yong entourage niyo? Kumpleto na ba?

Alyssa: 'Yong mga abay po 'Nay, okay na. Nakausap na rin po namin sila lahat. Fina-finalize na lang po namin ngayon 'yong kukuning designer para sa suit at gown nila.

Kiefer: Sa Ninong at Ninang naman po, nag-decide kami na five pairs 'yong kunin. Meron na po kaming three pairs and gusto po sana namin na 'yong last two pairs kayo po 'yong pumili.

Lita: Bakit kami? Kasal niyo 'yang dalawa, dapat lahat choice niyo.

Kiefer: Naisip lang po namin na baka may napangakuan na kayo dati, o kaya may gusto lang po kayo na maging Ninong o Ninang namin sa kasal. Wala pong problema 'yon sa 'min.

Bong: Talaga? Sigurado kayo?

Kiefer and Alyssa: Opo.

Mozzy: Kung 'yan ang gusto niyo, hindi kami hihindi. Thank you for thinking of us.

Alyssa: You're welcome po, Tita.

Ruel: Kelangan na ba namin magsabi ng mga pangalan ngayon? Baka pwedeng pag-isipan muna namin.

Kiefer: Pwede po Tito, kahit po hanggang sa katapusan. Middle of next month pa naman po namin kelangan i-submit 'yong final names para sa invitation.

Lita: Sige, pag-uusapan namin 'yan tapos sasabihan namin kayo agad.

Bong: Kami rin. As soon as possible para may oras pa kayong makausap sila.

Naputol sandali 'yong usapan nung dumating 'yong mga kapatid nina Kiefer at Alyssa dala 'yong kapeng Barako at 'yong merienda na magkakatulong nilang hinanda. After everyone poured a cup of coffee, pinagpatuloy na nila 'yong pag-uusap nila tungkol sa kasal.

Mozzy: Anong wedding suppliers pa 'yong hindi niyo nabu-book?

Alyssa: Uhmmm...wala pa po kaming flowers, souvenirs, tsaka photographer and videographer. Bukod po dun, baka may mga additional suppliers pa kaming kakailanganin for the reception.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon