Chapter 2

4K 115 7
                                    


Yaaawwwnnn...

Pagkagising, nagstretch si Alyssa ng konti tapos inabot niya 'yong phone niya to check the time and see if she has any messages from Kiefer.

From Babe:

Good morning, Babe! I'm getting ready to leave the house. I'll just run some errands bago kita puntahan diyan sa condo mo. I love you and I'll see you later!

To Babe:

Hi Babe, good morning! Can't wait to see you. Ingat ka sa pagmamaneho, okay? I love you too!

Itinabi muna ni Alyssa 'yong phone niya at pumunta siya sa kusina at nagluto ng breakfast. After eating, nagligpit siya at nag-ayos ng sarili. While waiting for Kiefer to arrive, nag-decide siyang tawagan at kamustahin muna 'yong Nanay niya.

*Calling Nanay*

Lita: Hi Anak!

Alyssa: Hello po, 'Nay! Kamusta po kayo?

Lita: Okay naman. Nakuha na pala namin 'yong pinadala mong pera. Salamat!

Alyssa: Wala po 'yon, 'Nay. Kung may kelangan pa po kayo, sabihan niyo lang ako.

Lita: Ay naku Ineng, wag mo na kami masyadong iniintindi. Mag-concentrate ka na lang sa pag-aasikaso ng kasal niyo ni Kiefer. Kamusta na ba 'yong preparations niyo?

Alyssa: Wala pa po kaming nafa-finalize. Nagkaroon po kasi sina Kiefer ng biglaang out of the country training, eh kakabalik lang nila nung isang araw.

Lita: Aba dapat upuan niyo na 'yan. Malapit na matapos ang July at hindi niyo mapapansin December na.

Alyssa: Pupunta po si Kiefer dito ngayon sa bahay. Pag-uusapan po namin 'yong kasal tsaka hopefully po mabisita namin 'yong mga simbahan at reception venue na nasa listahan namin.

Lita: Mabuti 'yan. Paalam mo lang sa 'min kung may maitutulong kami.

Alyssa: Opo 'Nay. Ay 'Nay, si Tatay po? Baka pwede pong makausap?

Lita: Nagpapahinga 'yong Tatay mo. May nilakad lang kanina sa Munisipyo, pagdating dito sa bahay pagod na pagod akala mo tumakbo pauwi.

Alyssa: Ganun po ba? Sige, subukan ko na lang po tumawag ulit mamaya.

Lita: May gusto ka bang ipasabi sa Tatay mo?

Alyssa: Wala naman po. Kakamustahin ko lang po sana si Tatay.

*ding dong*

Lita: May nagdo-doorbell, baka si Kiefer na 'yan.

Alyssa: Siguro nga po. Sige po 'Nay, ba-bye na po. Usap na lang po tayo ulit.

Lita: Sige, ikamusta mo na lang ako kay Kiefer.

Pagkatapos magpaalam, binaba na ni Alyssa 'yong phone niya and went to open the door. She smiled when she saw Kiefer holding what she guesses to be her favorite Ube cake. She stepped aside para makapasok si Kiefer.

Kiefer: (hinalikan si Alyssa sa noo) Hi Babe!

Alyssa: Hello! (sinara 'yong pinto) Ang aga mo naman, akala ko mamaya ka pa dadating.

Kiefer: Maikli lang kasi 'yong pila sa bangko kaya natapos ako agad. Nagkaoras pa nga 'ko dumaan ng Red Ribbon for your favorite cake eh.

Alyssa: Yeah, I noticed. (kinuha 'yong box kay Kiefer) Tara, kainin na natin 'to. Nung isang araw ko pa 'to napapanaginipan.

Pumunta sila sa kusina at natatawang pinanood ni Kiefer si Alyssa habang sina-slice nito 'yong cake na dala niya.

Alyssa: (tumingin kay Kiefer) Pinagtatawanan mo ba 'ko?!

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon