Last Part

184 6 6
                                        

               Sa Second year life kong ito sa college ay hindi na tulad ng dati. Iba na ang nangyari sa amin ni itang. Napapansin kong sa tuwing nagkakasalubong ang mga grupo namin ay lagi na lamang siyang tinutukso ng mga kaklase niya. Simula noong nag-promise siya na hindi na siya mang-aasar ay hindi na siya nagtext pa ng mga nakaka-asar. Nakakalungkot aminin pero hindi na niya ako inaasar na sa totoo ay mas gusto ko pang inaasar niya ako.

               It was June 17, 2006 ng maka-receive ako ng text mula sa kanya na halos magtatalon ako sa tuwa na kahit ba na simpleng “happy birthday inang” lang ang na-receive ko ay feeling ko sobra-sobra na. But tulad pa rin ng dati hindi na siya nagtext pa ng nakaka-asar.

               It was September 2006 when we have one week of intramurals. Sa intramurals na ito ko siya nakita sa terminal papuntang comfort room samantalang kami ay nasa bench ng terminal, hinihintay ang taong minsang nagkaroon ng puwang sa puso ko. Saktong palabas na siya ng comfort room nang makita niya akong kausap ang isang lalaking nakasuot ng uniform ng maap (marine uniform). Nagkatinginan kami pero hindi ko alam kung anong expression ng mukha iyon. Kahit na kasama ko ang malalapit kong kaklase at ipakilala ang naka-maap sa grupo nina Star na kasalukuyan ding nasa terminal din ay iniisip ko pa rin ang expression ng mukha ng nakita ko kay itang. At wala pang isang oras ay naka-receive na agad ako ng text mula kay itang.

               “cnu ung kasama mong naka-maap? Boy friend mo ba un inang?”

               “hoy! Inang un ba ang cnasabi mong long distance relationship?”

               Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya hindi ko na lamang sinagot iyon. Hanggang sa lumipas ang mga araw na hindi kami nagkakatext kahit na ba nagkakakitaan kami sa school. Nag-open na rin ng mga panahon iyon ang tanghal-likha na may kainan sa 2nd floor. Doon na rin kami kumakain. One time nakita ko sila ni tiyong na kumakain doon na agad ko naman siyang tinext.

               “hoy! Itang bkt pati sa tanghal-likha kumakain kau? Cnusundan nyu cguro kami nuh?”

               “lakas mo nmn inang…2mitikim lng kami ng bagong pagkain…ang mamahal nmn pala”

               At dumating na nga ang kinatatakutan ko. Walang pasok noon ng maka-receive ako na galing sa kanya na talagang ikinagulat ko na hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.”

               “inang I love u”

               “ano po un itang? Joke ba un? Nang-aasar ka na nmn cguro nuh?”

               “pwde ba akong manligaw sau inang?”

               Sa totoo dapat akong matuwa dahil ang nararamdaman ko sa kanya ay masasabi kong ganoon din pala siya pero nalulungkot ako dahil alam kong kapag nangyari iyon siguradong mawawala ang turingan namin sa isa’t-isa. Sa sobrang lito ng Pag-iisip ko ay pumunta ako kay ate ikay (Jessica Bernardo) na senior nila na Education Student na nag e-S.T. din sa kanila. Hindi na iba kay ate ikay na nagkakatext kami ni itang.

               “ano??? Sinabi niya iyun sa iyo? Loko-loko iyun ah… humanda siya sa akin”

               Pagkaalis ko sa kanila at pauwi na ako sa bahay ng makatanggap uli ako ng text galing kay itang.

               “cnabi mo ba kay Jessica ang tinext ko sau?”

               “nabanggit ko po”

It started with a textTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon