It’s already in the evening when I looked back on my “selpon”… walang text… expired na nga pala ang unlimited text ko, wala ring makakalikot na keypad. Hmnn… mahirap din pala kapag hindi unlimited. Bakit pa kasi nauso ‘yang unlimited?...Haay.. ang dami tuloy nangyari. Aminin n’yo man o hindi naapektuhan din ng unlimited ang buhay “txt” n’yo.
My eyes turned on the window of my room and my imagination started to move, so I get my pen and scratch starting to write and tell where it started…
School year 2005-2006 month of July where kinda of busy in our school life, syempre college na kailangan ding mag-adjust dahil hindi na ito tulad ng buhay high school.. ika nga new struggle that we need to face with the word “AJA”.
College na!!! Thursday afternoon, 3rd floor while waiting in our next subject (Algebra kay Sir Valentos). Nagbabalik-tanaw ako sa high school life ko… haayy… namimiss ko na talaga ang high school…my Aqua family which is my section when I’m in fourth year high school, Ocean Gals na name ng barkadan namin, and Eklipze na grupo ng mga artist at writer na nag-umpisa sa Funny Komiks haayy..till now the best pa rin iyon idagdag mo pa ang medyo highlight kapag teenager ka…tantananan!!! Love story kuno. Nasa kalagitnaan na ako sa pagbabalik-tanaw nang lumapit sa akin si Jessa na dating schoolmate ko noong high school at naging classmate ko rin noong elementary na dating GF ng isa sa member ng Aqua family na si Arnold Golimlim.
“Bakit Jessa?”
“Mae may kilala ka bang ganitong number?” (09184996399)
Ipinakita nito ang number na nasa cellphone nito na dali-daling ko namang kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko at idinial ang number pero walang kaparehas na number ang naka-save sa cellphone ko.
“Bakit po ba? Ano pong problema sa number na ‘yan?”
“Panay kasi text ‘yang number na iyan ng kung anu-ano. Kilala raw niya ako pati surname ko at kung saan ako naroroon, natatakot na nga ako eh”
“Ganun ba, baka taga sa atin lang iyan”
“Hindi ko nga alam eh! sabi niya kasi classmate raw kami sa NSTP pero hindi naman niya sinabi kahit apelyido man lang niya.”
“Ganun… stalker ang labas ah!”
“Kaya nga nakakatakot…lagi tuloy akong nagpapasama kay Roda kahit saan ako magpunta.”
“Hmmnn.. Anong gusto mo pong gawin sa mokong na nagte-text sa iyo?”
“Gusto ko sana malaman kung sino siya…baka kasi kilala mo. Sabi kasi ni Arnold kapag binigay ko raw ang number na iyan sa iyo malalaman ko raw kung sino.”
“Ganun… si Kap talaga… Ano ako? Tanungan ng mga hindi kilalang nagtetext?”
“Sige na Mae…magaling ka raw d’yan eh…iyung nalalaman kung sino na hindi ka nagpapakilala.”
“Naku! Jessa tama na ang pambobola mo baka magbago pa ang isip ko.”
Pagkatapos nang conversation namin ay dumating na ang professor namin sa Algebra na si Sir Valentos. Natutuwa akong isipin na kahit college na ay kilala pa rin ako bilang bandido sa text. Well hindi naman totally bandido, ang papel ko lang kasi sa text ay “AGENT”-taga kalap ng information sa taong nagtetext na stalker ang labas,minsan taga-pagpanggap din. Nagpanggap na ako noon bilang lalaki na ang ka-text ko naman ay kapwa ko babae. Madalas nilalapitan ako ng mga kaibigan ko na i-textmate ang mga boyfriend nila just to make sure na hindi nagloloko, na ang kapalit naman sa mga ginagawa kong iyon ay load o treat sa lunch o merienda.
Uwian na namin at nasa bus na ako nang mag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.
“Mae nai-txt mo na?”
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
